Gusto kitang bumalik sa buhay ko. Gusto na kitang mayakap, mahawakan at makasama. Gusto kitang mahalin ulit, hindi gaya nang dati, kundi higit pa doon. Gusto kitang alagaan at protektahan. Gusto kitang ipaglaban. Gusto kitang hayaang mahalin ulit ako. Hindi gaya nang dati, gusto ko higit pa doon.
Alam ko na kapag pinapasok na ulit kita sa buhay ko, hahayaan ko na ulit ang sarili ko na masaktan. Okay lang sa akin na masaktan uli, pero sana hindi na gaano kasakit tulad nang dati. Alam ko na kapag pumasok ka na ulit sa buhay ko, hindi mo maiiwasang umalis uli. Pero sana kapag umalis ka, hindi na tulad nang dati. Wag kang mang-iiwan ng biglaan.
Hindi ako mag mamahal ng iba kasi may binitawan ako sayong salita. Muli kitang papapasukin sa buhay ko at gagawa tayo ng panibagong kwento. Hindi kailangang maging katulad nang dati, ang importante ay mahalin ang isa’t isa ng HIGIT pa nang dati.
Maaring bumalik ang sakit nang nakaraan. Maaring panahon naman ang ating makakalaban. Maaring maging MAS mahirap ang mga pagsubok, pero walang bibitaw. Hindi kita bibitawan hanggang sa ikaw na mismo ang kusang kumalas sa aking pagkakahawak. Hindi na tayo kasi duwag nang dati. Hindi na tayo kasing hina nang dati.
Mahal, kapag pinapasok kita uli sa buhay ko sana hindi na puro pangako ang lalabas diyan sa bibig mo. Sana hindi na puro sakit at luha ang lalabas sa ating mga mata. At sana manatili ka na.
















