Matagal na rin pala akong hindi nakakapagsulat tungkol sa personal kong buhay noh? Medyo matagal-tagal na rin. Sa totoo lang, marami pa kasi kaming ginagawa eh. Sumingit lang ako para tignan kung ilang blogger na ang nag-unfollow sakin dahil sa maraming araw nang aking pagkawala. Eto, buti naman at dalawa lang sila. Kung sino man kayo, kung nasaan man kayo, kung ano man ang ginagawa niyo at bago niyong pinagkakaabalahan na blog... wag na kayong babalik. Biro lang.
Oo nga pala, napakahectic ng schedule ko ngayon. Maraming exams, maraming papers, maraming quizzes, at may play pa kami na kailangang tapusin. Sa totoo nga, hindi nga namin alam kung saan magsisimula eh. Talaga nga namang hindi pa kami bisahang mga freshman na sa pagta-time management. Mas inuuna pa naming manuod ng movies sa laptop at mag-facebook maistatus lang kung gaano kami kasabaw habang sinusulat ang mga papers namin. Hindi na rin kami nakakakain at nakakatulog ng maayos dahil sa mga pesteng dapat gawin na yan. Pero ano pa nga bang masasabi ko? Kahit na ganito, masaya pa rin ang buhay kolehiyala. Minus the academics nga lang.
Wala na rin pala kaming YFC gathering ngayon. Eh kasi nga, moratorium na. Next sem na siguro ulit ang susunod na gathering. Hay. Ayun. Hindi ko na siya makikita. Swertihan na lang kung makasalubong ko siya sa pathwalk o ma-ispatan ko siya sa Atrium. May chika nga daw si Ate Jennie sakin tungkol sakanya at sa past love niya eh. Kaso nakalimutan kong itanong sakanya kanina. Tungkol saan kaya yun? Sana hindi masyadong masakit sa damdamin. Anyway, alam ko namang. hanggang stalk na lang talaga ko sa facebook wall niya. Tanggap-tanggap din ika nga nila.
Dalawang linggo na lang pala, matatapos na ang semester, at sa wakas, makakauwi na rin ako. Makakatulog na ko ng maayos, makikita ko na ang mga friends ko at higit sa lahat, hindi na ko magugutom! Hay salamat Panginoon ko. Konting tiis na lang. Feeling ko nga daig ko pa si Manny Pacquiao eh.Pero syempre may joke yun sa dulo. Haha. Ang daming naghihintay sakin pagbalik ko. Maliban na lang siguro sa isang tao. Yung taong nagsabing hihintayin ako kahit gano katagal, eh putangina niya! Sinong niloloko niya? Lumang istilo na yun. Ang katagang kahit gano katagal ngayon, buwan na lang ang katumbas. Wala nang umaabot ng taon. Pagsure niya!
Hay. Basta. Hello na lang mga tumblristas? Kamusta na ang buhay? Oo nga pala, ang dami na nating pinagbago. Pero chill lang. Ayaw nang pag-issue issue. Hindi naman kasi to talent search. Open na ang auditions for PBB Teens. Dun kayo maghasik ng lagim. Ciao. xx