An Evaluation on PDAF Scam issue, Napoles: State Witness ; Filipino, language of truth
Mula sa aking napanood at pagoobserba sa hearing kanina ng Senate Blue Ribbon Committee, ang tanging reaksyon ko lamang dito ay Kakampi natin si Napoles.
Hindi naman maitatago ang mga kasinungalingan na ipinahayag ni Janet Lim-Napoles kanina, " hindi ko po alam at hindi po totoo" ang inilabas niyang sagot sa mga paratang sa kanya ng mga whistle-blowers at Senador ukol sa Pork Barrel Scam. Ngunit sa likod ng mga kasinungalingan na iyan nariyan ang mga pananakot at pangbbrain wash ng mga Most Guilty sa isyu na ito. Tinutukoy ko rito sina Tanda, Si Kap, at si Sexy,ang 3 idiots. Kaya't nasasabi niya ang lahat ng kasinungalingan. Naniniwala ako na hindi magagawa ni Napoles ang ganitong mga krimen dahil siya ay mula sa mga mahihirap. At kilalang kilala ko ang ugali ng mga mahihirap dahil isa rin akong mahirap. Sa kawalanghiya ng mga Politikong humimok kay na Napoles na gawin ang mga scam na ito, nagkakaroon ng pagkakaiba ang isang ugali ng mahirap.
Kakampi natin si Napoles. Siya ang daan upang mailabas ang katotohanan. Siya ang maglalabas ng baho ng mga sangkot na pulitiko sa pagnanakaw na ito. Si Enrile, ang tanging utak nitong krimen, ika nga ni Sen. Miriam Santiago. Noon pa man maiitim na ang budhi ni Tanda at kayang-kaya niyang ipapatay ang sinuman na haharang sa kanyang maiitim balak.Kaya't ngayon pa lamang, tulungan na nating makumbinsing ilabas ni Napoles ang kanyang mga nalalaman dahil ang tunay na Most Guilty rito ay si Sen. Juan Ponce Enrile.
Sa aking palagay rin ay nararapat nang maging State Witness si Napoles,upang ngayon pa lamang ay maprotektahan ang kanyang mga nalalaman na katotohanan. Hangga't hindi niya sasabihin ang Totoo lalong magkakaroon ng banta ang buhay niya. Sa lalong madaling panahon, Lord please help Napoles to state the truth.
Kapansin-pansin rin na sa pagpupulong kanina sa senado ay Tagalog/Filipino ang ginamit na wika sa hearing, na wika ng ating bayan. Tunay lamang na higit pa sa Ingles ang kahalagan ng ating wika. Nagbibigay daan sa katotohanan, nagbibigay linaw sa mga isyu at nagsisilbing ilaw sa pagkakaunawaan tungo sa pagkakaisa. Hindi kinakailangan ng iba pang salita ang paglalahad ng katotohanan, noon pa man, mula sa kinagisnan nating wika, kakampi na natin ang Tagalog/Filipino sa pagkakaisa ng lahat.
Sa usaping ito,bilang isang kabataan, bilang isang mamamayan ng bansang ito, bilang isang mamamayan na kabilang sa ninakawan ng mga Pulitikong Tiwali sa gobyerno, nais kong ipabatid na ang pakiki-isa sa usaping ito ay isa nang simpleng pagmamalakasakit sa bayan na matagal nang naghahanap ng katotohanan,