Atras Tayo.
Sinusubukan kong buksan ang pahina ng buhay ko na ito na di ko tinuloy. Ang mapanghusga at dedmang mundo ng Tumblr. Sabi nila, yon’ daw ang kina-ganda rito. Ikaw lang ang makakasigaw sa isang dimensyon na walang may pake-alam sayo. Pero linisan ko ang paradigm na ito dahil ayoko na makakita ng mundo ng iba. Kahit di ako nagpopost, nagbabasa ako. Isa sa pinakamahalagang tinuro sa akin ng Tumblr ay ang kasiyahan sa pagbabasa.
Na-miss ko yung mga panahon na ang sarap magbasa sa dimensyong ito. Ngayon, di ko na alam ang babalikan ko. Ang alam ko lang, kailangan ko humakbang paatras para i-tama ang ilang hakbang na natalisod ako. Oops, bago mo ko husgahang tanga ka, ay di ako nagsisisi sa pagkapilok, semplang at dausdos ng mukha ko sa aspalto.
Gusto ko lang naman magsulat. Gusto ko uli makaramdam ng ibang pakiramdam.
Di ko inaasahan na may sumama sa pagbabalik tanaw ko, pero sana may ilan-ilan pang kaluluwa rito na may tiyagang magbasa, sayang naman mga manipesto blogs na ginawa ko nung highschool at college days ko..
Samahan mo ko, sasamahan kita. :)












