Site Address: Jalung, Porac, Pampanga
Date: August 6-9 ,2020
Unang site na nabuhay ko sa North Luzon. Another adventure para sa career life ko. Pero ang mas malupit na setup ay under ito ng ibang subcon ni globe. Hindi ito site ng company namin. Bale inofferan ako na buhayin lang yung site and ayun nagleave ako sa company ng dalawang araw para magtrabaho sa ibang company. HAHAHA Easy money kaso naubos din kasi pinamahagi ko rin sa mga kawork kong nirefer ako dun.
Exciting yung site kasi yung geographic location nya is target talaga yung mga isolated na lugar lalo na yung area ng mga katutubong aeta. Sa taas ng bundok at may ilog sa paanan. Actually nakaligo pa kami sa ilog with the aetas para lang mas masulit namin yung stay namin dun. Syempre nagiingat din kami na baka kami ang carrier ng virus. Di kami nakihalubilo dun sa mga lokal. Respeto pa rin sa teritoryo nila. Peo para kaming naghiking. Di namin ramdam ang pandemia.
Another thing na nag-open para sa akin is yung possibility na sa kanila ako magapply kasi alam nilang nagresign ako and wine-welcome naman nila ako sa team nila. Tawagan ko lang daw sila kung sakaling mapagisip-isip ko.
Kaya pala sila nagoutsource ng tagabuhay ng site kasi hindi pa marunong mga engr nila and ayun part ng contract ko ang pagturo sa kanila. Masaya naman. Naramdaman kong propessional ako sa point na to kasi yung respeto sa pakikinig at pagsunod sa utos ko ay bukal sa loob nila sundin. Syempre di ko naman sila pinagtripan baka mamaya katayin nila ako dun since ako lang magisa dun hahaha.
Andami ko rin natutunun sa site na to. Legit. Lalo na sa implementation ng mga technology. Mas okay pa sa binubuhay ko sa SLZ. Pero ang nakakainis kasi sabi nila kumpleto na yung site as in bubuhayin na lang. Tapos ayun kulang kulang pala. HAHAHAHA kaya inabot ako ng apat na araw doon. Yun lang ang kinaburyungan ko kasi di ko na kuha yung target date ko para maaccomlish yung task.
Andami pang ganap sa site na to pero yun lang ikwe-kwento ko. Ciao. Pasintabi na lang sa mga bench bods namin hahaha