Nung nagpunta pala kami sa Palawan 2 weeks ago hindi bilang bakasyunista kundi para magtrabaho, mahirap pala ang buhay-lokal dun. Oo maganda ang mga tanawin, maganda yung mga beach, pero mahirap. Hindi kasi kami naghotel at parang tipikal na bahay lang dun. Mainit ang panahon, may schedule minsan ang kuryente at madalas sa tubig. Walang Tubig. Isa sa mga basic need natin ang tubig pero guys mahirap. Sa bundok kasi daw kinukuha yung tubig kaya ewan ko kung totoo ba pero totoong mabundok pala sa palawan. Intense yung mga sigsag na kalsada, as in sharp curves. Huhuhu so ayun lang. Feeling ko kuntento naman sila sa buhay dun at ang konti lang ng mga residente. Wala lang. Share ko lang yung glimpse ng buhay dun bilang mamamayan ng isang linggo, kasi diba puro yung magaganda lang ang alam natin dun. Anyways, marami pang kwento about dun pero di kasi ako magaling magkwento. Di ko na lang ii-spoil Pero totoong maganda ang mga tanawin dun. Yung dagat, I. swear. Ibang pleasure yung magpapahampas ka lang sa alon. As in hanggang tuhod lang ang lalim pero yung alon hanggang leeg. HAHAHA Gusto ko yayain maggala at maligo dun mga kaibigan ko para maenjoy nila yung saya na nafeel ko dun sa pagligo.











