Kaninang madaling araw, between 1-1:30 am, I was on my way home from Novaliches. Actually lagpas na ako ng Cubao eh, then I saw this very familiar guy. Pinara niya yung jeep. I was like, "Oh my gosh. It's him." Sino siya? Siya lang naman 'yung guy na I used to have mutual feelings with. Akala ko noong una hindi niya ako makikilala but I was wrong, he even asked if I already paid my fare. Hindi ko ma-explain kung ano ba yung nararamdaman ko, kinakabahan na masaya pero malungkot yata at the same time. 'Yung beso namin, iba pa rin ang epekto, weird pero I know deep down inside my heart I was happy. Happy kasi nagkita ulit kami, for the nth time, unexpected place and time na naman. We talked about stuff, the usual "Nag-wowork ka na ba?" and I even complimented his relationship "Going strong kayo ah!" Like, WTF did I just tell him!? Actually, pilit lang 'yon eh. I was slightly glad na not in so good terms sila ng gf niya, am I that bad? Ugh. Ang laki ng pinagbago niya physically, bad boy look na siya eh. Hay. Anw, medyo nakabawi ako sa kanya when I told him na "Nagka-lovelife lang, nakalimot na! 'Yan tayo eh!" I meant that tho. Srsly. Ever since he got committed, it's as if we didn't know each other.Ang sakit lang 'non pero he admitted naman na marami na siyang hindi nakakausap na friends 'nung nagka-gf siya. Me, being one of 'em. Sakit lang, friend na lang eh. Oh well. Our conversation went on until he had to leave, he even mentioned na lumipat na sila ng bahay, medyo mas malayo na sa'min. We wished each other goodluck, ako sa work and siya sa review niya for his Nursing board exam on December.
Alam mo 'yung kayo na sana pero natakot ka ipagkatiwala 'yung sarili at puso mo sa kanya dahil sa ilan beses ka nang naloko ng lalaki? What a reason diba? Ugh. Siguro kung naging kami, masaya kami, masaya ako. Seriously speaking, I still have that "panghihinayang" feeling within me. Dapat ako 'yung girlfriend niya ngayon, ako dapat 'yung mahal niya, e.
Lesson learned? 'Wag sayangin ang pagkakataon. Kung mahal mo siya at mahal ka niya, 'wag mo isipin 'yung mga negative aspects lalo na kung related sa past mo. Dahil kapag nawala siya, ikaw rin ang mas masasaktan.