Paano?
"Paano ba maging manhid?"
Tanong ng taong lubos na nasaktan dahil sa pagmamahal. Pero may paraan nga ba para maging manhid? Hindi ko alam. Depende siguro sa nangyari sa'yo. May patutunguhan ba kung magpapaka-manhid ka na lang? Hindi mo ba naisip...
Paano kung biglang dumating yung taong para sa'yo? Mas mahirap yan kung nasa stage ka ng pagiging manhid mo. Kahit anong effort ang gawin niya, hindi mo mapapansin. Yung taong mahal ka, binabalewala mo lang. Kumbaga, ipinasa mo sa kanya yung burden na naranasan mo dati bago ka pa nagpasya na huwag na lang makaramdam. Wala nang mas masakit pa sa pakiramdam na binabalewala. Pinahahalagahan ka ng isang tao na pinahahalagahan ng iba. Ikaw ang pinili niya samantalang may iba naman na nagnanais na "siya" na lang sana ang pinili. Oo, unfair ang buhay pero yan ang realidad. May masasaktan at masasaktan pero kung pipiliin mong huwag maging manhid, kahit papaano may chance na may isang magiging masaya.
I think it's a cycle, not sure though. Kasi yung umaasa sa taong pumili sa'yo, panigurado may naghihintay rin sa kanya. Kailangan lang imulat ang puso't isipan at huwag lang mag-focus sa isa.
Naniniwala ako na lahat ng taong nasaktan, umaasa at naghihintay ay magkakaroon rin ng sarili nilang happy ending. 'Wag lang magmamadali. :)













