Di ko alam yung paglagyan ng tuwa ko, makita lang yung kapatid ko na masaya na sa simpleng spag tsaka cake at yung bagong cellphone na regalo sa kanya ni mommy masaya na siya. Yung mas gusto niya na buo lang yung pamilya niya. Masaya na siya dun. Alam niyo yun? Never niya naranasan mag party sa Jollibee man o Mcdo nung 1st birthday niya, nung 7th birthday niya di siya nagparty kase hiningi niya nalang kay mommy is DS Lite na gadgets. Ang babaw ng kaligayahan ng kapatid ko. Yung kahit simpleng bagay lang, masaya na siya. Di niya naranasan na ma spoiled at lumaki kasama yung tatay namin. Kase apat na araw na gulang pa lamang siya nung naghiwalay nanay at tatay ko. Di man ako mabait na kapatid palagi, pero mahal na mahal na mahal ko yung kapatid ko.













