Letter #146:
Hi Jasond,
Walang ibang paraan para masabi ko sayo to ng hindi mo nalalaman e. Gusto ko lang na kausapin ka, pero hindi ko magawa. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyare, pwedeng kalabasan, mga pwede mong sabihin at kung ano ano pa.
Gusto kita Jasond, Mahal kita. Pero hindi ko to pwedeng sabihin sayo dahil kaibigan mo lang ako, at alam ko sa sarili kong wala na kong ibang lulugaran sa buhay mo kundi yun lang. Ang sakit pala no? ang sakit pala sa feeling na hindi kita pwedeng mahalin ng sobra kase alam kong masasaktan lang rin ako. Ang sakit makita na maraming nakakapagpasaya sayo. Okay na okay na, samantalang ako, gabi gabing di makatulog ng maayos ng dahil sa kakaisip sayo. Selos na selos ako sa mga babaeng lumalapit sayo, sobra. Kaso wala akong magagawa. Hanggang titig na lang sguro ako.
Ang sakit mafriendzone. yung tipong sasabihin nya sayong, “iloveyou” kaso may kadugtong na “…tropa." Sobrang haaay talaga yung feeling. Hindi ko makuha yung taong mahal ko dahil kaibigan lang turing niya saken.
Sana naman Jasond, makita mo yung pagmamahal sayo. Wag mong sayangin yung oras mo sa mga taong di ka kayang pasayahin ng sobra at mahalin kase andito naman ako. Sana sakin ka naman lumapit. Sana sakin ka na lang. Mahal kita e, sobra.








