This could be my second letter for you. Kumusta kana kaya? Namimiss na kita, ako kaya namimiss mo rin? Sana okay ka lang. Sana lagi kang mag iingat at inaalagan mo ang sarili mo. Kasi nag-aalala ako sayo eh. Kung ano na kya ang kalagayan mo? Kung ano na nangyari sayo? Kung may masakit ba sayo? Kasi wala na akong balita sayo kahit na ano simula nung umalis ka. Sa totoo lang hindi ko parin maintindihin yung reason mo ng pag iwan sakin. Mababa kasi at medyo madaya dahil ang layo layo na nga natin tas nangailangan ka pa ng space. Alam ko hindi mo mababasa to kasi nga umalis kana diba, kaso ito nalang ang paraan ko para ma express ko lahat ng gusto kong sabihin sayo.
Alam mo bang ang sakit? Sobrang sakit ng ginawa mong pang-iwan sakin. Gusto kong sabihin sayo kung gaano mo ako nasaktan, kaso alam ko wala kang pakialam sa nararamdaman ko. Kulang ang salitang sakit para ma explain kung ano yung nararamdaman ko. Ang sakit sakit. Sobrang sakit kasi. Ang sakit sakit.
Araw-araw umaasa ako. Araw-araw naghihintay ako. Araw-araw sinisisi ko ang sarili ko kung bakit mo ako iniwan. Siguro nga naging wala akong kwentang girlfriend. Pero bakit? Bakit mo ko iniwan ng basta basta nalang. Bakit hindi mo kinonsider ang nararamdaman ko. Marunong din akong masaktan kasi. Sabi mo noon hindi ka mapapagod sakin, sabi mo hindi mo ako iiwan, sabi mo pagod ka na lagi nalang iniiwanan, pero bakit ganun bakit ako iniwan mo ako? Ano bang mali sakin? Ginawa ko naman lahat eh. Pero bakit hindi parin sapat ang lahat, bakit iniwan mo parin ako. Bakit lagi mo nalang akong sinasaktan? Bakit lagi mo nalang akong pinag hihintay? Sana kahit minsan maramdaman mo naman ako, na tao lang din ako marunong mapagod at masaktan. Pero kahit na anong gawin ko hindi ako napapagod sayo. Ayokong sumuko sayo, kahit na sinukuan mo na ako.
Umaasa ako na babalik ka, pero don’t worry kung sakaling ayaw mo ng bumalik maiintindihan ko, iintindihin kita hanggang sa abot ng makakaya ko, pero sana kahit minsan magawa mo din akong intindihin, hindi yung puro nalang ikaw. Pero sana wag mo akong kakalimutan ah? Nandito lang ako lagi para sayo….naghihintay. Sanay naman ako laging naghihintay sayo. Kung sakaling maisipan mo man bumalik nandito parin ako tatanggapin kita. Sana bumalik ka, kasi naghihintay ako sayo kahit gaano pa katagal.