Una pa lang kitang nakita, naging crush na kita. Hindi kita kilala pero na-attract ako sayo. Siguro dahil gwapo ka nga. Binalewala ko yung unang pagkikita natin, ang lungkot ng mukha mo nun. Parang may mabigat kang dinadamdam pero wala pa akong pake sayo noong mga panahon na yun. After a month, nakita ulit kita. Ang daming lumalapit sayo. At pagkatingin ko sa’yo, nakatingin ka sa akin. Mahilig pa naman ako makipagtitigan, pero una na akong umiwas ng tingin. Binalewala ko lang ulit yun. Medyo awkward pero natuwa ako. Haha.
Habang nag s-scroll ako sa dash, lumabas nanaman ang pagmumukha mo. Yun ata yung 2nd time na nakita kita sa dash. Pinagmasdan ko, mas gwapo ka sa personal. Haha. Sinubukan kitang kausapin, ayun nakakausap ka naman ng matino. May isang bagay kaya maganda usapan natin nun, dahil sa puro “secret.” Tapos malaman laman ko na posible pala mangyari yung mga bagay na yun, natuwa ako. Kwinekwento nga kita sa mga kaibigan ko eh.
Halos araw-araw na tayo magkausap. Madalas, hang ang usapan natin, feeling ko tuloy ayaw mo ako kausap. Pero maya maya bigla bigla mo kong kakausapin na ikinatutuwa ko naman. Kaso laging may “wala na kong masabi.” Minsan nga nakakatamad ka na rin kausapin, parang ayaw mo kasi akong kausap. Para bang pinagpipilitan ko lang yung sarili ko. Pero di ako mawawalan ng pag-asa. Lagi naman ako umaasa eh, kaya lagi rin akong na didisappoint. Hihingi ba ako ng signs o ipagdadasal na lang kita sa Diyos? Tulungan mo naman ako oh.