Hahaha, masyado kang pa-chix. Pa-chix na umaabot na sa point na naiinis na ako sa’yo. Grabe ang gulo neto. Hindi ko alam kung ano ba talaga tingin ko sa’yo. Kung best friend ba, kuya o lover. Pero ina naman kasi e! Minsan ang sweet mo, minsan hindi ta’s minsan parang wala lang ako sa’yo! Ano ba?! Lagi na lang bang ganito?! ANO BA?! GULONG-GULO NA AKO! Hindi ko alam kung ano ka ba talaga sa buhay ko! Minsan naiinis, wait, scratch that, nagseselos na ako. Alam mo kung bakit? Kasi mukha kang Pauline. Yung ex mo. Lagi na lang s’ya. Bukambibig mo s’ya palagi. Ta’s kung makapag-kwento ka about sa kanya parang hindi ako yung kaibigan mo. Yung kaibigan mo na sumalo sa’yo nung nagbreak kayong dalawa nung pangatlong ex mo; yung laging sumusuporta sa’yo sa lahat ng kagaguhang ginagawa mo! Ina, nung una gusto ko sana mag-thank you kasi ng dahil sa’yo nawala na yung pake ko kay Jalen. Pero ngayon? Ayaw ko na gawin yon. Kasi naiirita na ako sa’yo. Ano ba talagang trip mo?! Hindi na kasi makasakay e. Shet ka talaga. Puro ka Pauline. Sabi ka ng sabi na liligawan mo s’ya ulit pero di mo pa rin ginagawa. Ano ba kasi talaga?! Masyado na akong naguguluhan e. Utang na loob, sabihin mo na sa’kin kung anong meron. Para malaman ko kung anong trip mo at ng tigilan ko na ‘tong kagagahan ko.