Alam mo ba ? Seryoso ako ng sinabi kong naiimagine ko kayo ni Baro na nagsasayaw nung JS niyo. Letsugas tas Got to believe in magic pa nga yung tugtog . Chichay at Joaquin </3 Tas papakasalan ka pa niya ? Anak ng hilaw na pating , sige ako nalang magkakasal sa inyo . Tinapa :3 Sakin kaya ? Makikipagsayaw ka ? Gusto ko pag nangyari yun . “I will always love you” o kaya “forevermore” ang kanta luma pero maganda . ( Oh sige sabihin niyo ng wala akong taste mamili ng kanta -_-) Hayys, alam mo ulit ? Buti na lang, di pa naiisipan gumawa ng surprise ni Baro. Kasee baka mangyari na yung isa sa kinakatakutan ko. HahahahaXD Kung legal lang bakuran ka, malamang ginawa ko na. Siguro iniisip mo, nababaliw nako , alam mo ng gusto kita pero di naman ako nanliligaw . Panay ako paramdam pero wala akong sinasabi. Yung totoo ? Gusto talaga kita , o siguro higit pa sa gusto. Gusto din kitang ligawan pero hindi pa sa ngayon , hindi sa gantong paraan . Hindi sa gusto kong magplay safe. Gusto ko pwede mong ipagmalaki sa mga pagkukwentuhan mo kung pano kita liligawan. Kung itinatanong mo kung wala ng iba ? Ikaw lang . Wala ng iba :) And once you fell inlove with me , there’s no way of falling out. I will never let you slip away.