Letter #875:
Dear E,
I love you. Araw araw ko namang sinasabi at pinaparamdam sayo yun dba? Gusto ko lang sabihin dito. Sobrang thankful ako na dumating ka sa buhay ko. Sige na ang cheesy na kung ang cheesy pero wala eh, mahal kita eh. Naks naman dba. Pero seryoso kasi, sobrang saya ko dahil sayo. Sana walang magbago. Sana wala ng palya this time. Alam ko marami na tayong pinagdaanan pero kinaya naman natin dba? At kakayanin natin yung mga darating pa. After ng ilang bwan, tingnan mo naman kung san na tayo ngayon dba. Oo nandyan ka pa rin at nandito pa rin ako. Pero iba na ngayon. Iba na kasi may pinanghahawakan na talaga tayo sa isa’t isa. Mahal kita, mahal na mahal. Thank you sa lahat ng efforts, sa pagpaparamdam na mahal mo ko at mahalaga ko para sayo. I’ll see you soon. I love you so much, my eternity.
Your one and only, M















