I have this bad habit of overthinking - even if I should not. There are so many reasons why I don't want to stay up late until these hours nor being awaken in the middle of my sound sleep. My love is not fading. I am still in love with you. I am still the same girl who is shy and still thinks your heart is pure. I am still the same girl who sees you as the perfect one for me. Pero sobrang nadadown ako. Lalo na 'pag may mga bagay akong di magawa para sa'yo. Pakiramdam ko lagi, ang tanga tanga ko. Sobrang nadi-disappoint ako sa sarili ko na di ko na magawang makatulog o makangiti man lang. Minsan, nagsusulat ako ng story pero di mo mabasa. Kasi busy ka sa opisina, busy ka sa trabaho, busy ka sa paghahanap-buhay kasi gusto mong di kami magutom. Pero minsan, naiinis ako kasi parang nababalewala ako. Pero ngayon narerealize ko, ako naman talaga yung mali. Ako naman talaga yung may problema kasi nag-eexpect ako na agad-agad mong magagawa lahat ng gusto ko. Hindi ka naman robot, napapagod ka rin. Kaya lalo kong narerealize, sobrang nakakadisappoint ako. Kaya lalo akong nalulungkot. I'm not sad due to the fact that I am with you. Malungkot ako kasi araw-araw ko na lang nararamdaman na wala akong kwenta. Na wala na kong masulat na matino, wala na kong magawang matino. Ugh. I hate it. I hate myself. Naiinis ako sa sarili ko kasi naiinis ako. Kasi di ko magawang makatulog mag-isa na di ka nakakausap. Naiinis ako sa sarili ko kasi di ko magawang ngumiti pag di kita nakikita. Naiinis ako sa sarili ko kasi di ako sanay na di kita nayayakap bago matulog. Naiinis ako sa sarili ko kasi sobrang clingy ko at alam kong ayaw mo ng ganon. Naiinis ako sa sarili ko kasi ganito lang ako at alam kong naiinis kang nakasimangot ako. Pero nalulungkot kasi ako. Kaya ako sumisimangot. Nawawalan ako ng gana sa sarili ko mismo. Namimiss ko na 'yung dating kwentuhan natin. Namimiss ko na yung mga araw dati na di ka nakakatulog nang wala ako sa tabi mo. Namimiss ko na 'yung mga araw na niyayakap lang kita, masaya na ko. Our spark is still there. Our spark never fade. I just don't know why the hell I am so scared to lose you. Siguro kaya ako natatakot na mawala ka kasi lahat ng taong pinapahalagahan ko, nawawala. Lahat ng kaibigan ko, inaayawan ako. Siguro kasi ganon. Siguro kasi wala naman kasi kong kwenta kaya natatakot akong mawala ka at makakita ka ng taong mas may sense kausap kesa sakin. Siguro... siguro kaai di naman talaga ako loveable kaya ako natatakot. na di ko nga alam bakit minahal mo ako. Hays.
















