ISANG BANAT NG PAG-IBIG PART 7
Yan ang tanong na ilang beses ko na atang sinagot sa slam book.
"Crush"... simula pa yata elementary ay malimit na nating marinig ito. Marami na ngang kanta ang naisulat tungkol dito. "Crush" ni Mandy Moore/David Archuleta, "Crush On You" ni Aaron Carter, at nitong huli lang ay "Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo" ni Zia Quizon na may libro pa (sulat ni Ramon Bautista)!
May naimbento pang pick-up line... "ICE ka ba?... CRUSH KASI KITA."
Pero ano nga ba ang meaning ng "crush"?
♥(Noun) An intense and usually passing infatuation.
-Merriam-Webster Dictionary
♥(Noun) A brief but intene infatuation for someone, especially someone unattainable.
♥(Noun) A burning desire to be with someone who you find very attractive and extremely special.
Pero ako, tuwing pinapa-define sa ang "Crush" sa slam book...
Crush is "PAGHANGA", kapag na-develop na... "PAG-IBIG NA YATA".
Sabi sa Psychology, "A Crush only lasts for 4 months: When feelings last longer you're considered to be "in love".
Eh paano na lang ako?! Almost 2 years! Or let's say 1 year 8 months 1 week and 1 day na akong infatuated sa kanya!!! Katulad nga ng sabi ko sa kanya, hindi sa mall kami unang nagkita. June 2012. Una ko syang nakita/napanood sa isang play sa Meralco Theatre.
Love at first sight? Hmmm... more on crush at 1st sight, 2nd sight, 3rd sight... Hanggang sa ayoko nang mawala sya sa aking sight! Oh no! This is not right!
"Session". yan ang tawag namin ni BF sa nakagawian naming pagtambay sa labas ng bahay namin. Minsan may dalang gitara at madalas may dalang makakain. Mahina na sa amin ang abutan ng alas dos... alas dos ng umaga.
BF: Hmm... matagal-tagal na natin itong 'di ginagawa ah!
ME YEJ: Honga. Yung last nung medyo confused ka pa sa nararamdaman mo para kay Jolan.
BF: Hahaha! Honga no? Sinong magsasabing magiging kami ngayon? Eh, ibig bang sabihin nyan ikaw naman ang cofused?
ME YEJ: Aaaaargh! Ewaaaaaan! Para syang KAPE! DI NAGPAPATULOG! Para KUTO! I CAN'T GET HIM OUT OF MY HEAD!
BF: Aaaaah kaya... Para ka nang Panda. Nangingitim na yung paligid ng mata mo. Ano na nga bang score?
ME YEJ: Hindi ko din alam. Pero oo, noon crush ko na talaga sya... pero nung umpisang maging close kami... hindi ko in-expect to!!! Alam mo yun? Dito sa Pilipinas PA-SUMMER na eh!... Ako naman PA-FALL NG PA-FALL SA KANYA!!! >_< Tuwing nakikita ko sya... naiisip ko... CANDIES...
BF: Yun lang... so ano ngayon ang plano mo?
ME YEJ: Di ko rin nga alm! Haaaay! BUTI PA ANG MGA BILIHIN... NAGMAMAHALAN NA! KAMI KAYA? KELAN?
BF: Eh tutal mahilig ka naman sa "Sprite", bakit hindi ka na lang maging katulad ng Sprite?
ME YEJ: And by that... are you expecting me to shout... "I LOVE YOU KRAS"?!? No way!
BF: *pabulong* Wushu! Ginagawa na nga ng puso mo eh!
ME YEJ: Narinig ko yun. Sira!
BF: Hahaha! Yan tayo eh! Ano ba kasi si Kras sayo?
ME YEJ: CENTRUM ng buhay ko... KASI HE COMPLETES ME... COKE ko... SYA KASI ANG "HAPPINESS" KO... SM... HE GOT IT ALL!... at higit sa lahat... McDo!
BF: O yun naman pala eh! Eh di NIKE!... JUST DO IT! And don't worry... I'll be your REXONA... I WON'T LET YOU DOWN. *tapik sa balikat ni Me Yej*
ME YEJ: Awwww *touchie... hugs BF* para akong noodles nang maging kaibigan kita...
BF: *nagtatanong na tingin*
ME YEJ: Kasi... "LUCKY ME!"
BF: Dami mong alam! Kumain ka na nga lang... Oh! CLOVER? XD
Samantala... sa bahay naman nila Kras ay kasalukuyan silang nag-iinuman nila Zat at Dagz.
ZAT: Ang tagal na nang last dirnking session natin ah. Akala ko talaga Kras di ka na umiinom eh.
KRAS: Gusto ko na nga talagang itigil pare.
DAGZ: Weh?! Anong kalokohan yan?! Bakit?!
KRAS: KALOKOHAN?! Isa lang naman ang kinalolokohan ko... SYA LANG! Bakit? PAno ba naman... NGITI NYA PA LANG PARE NAKAKA-HIGH NA.
ZAT: Ay kamote! Huwag mong sabihing...
KRAS: CANDIES BE LOVE? *insert dreamy look here*
ZAT AT DAGZ: (nagkatinginan at nagkasundong pagbabatuhin ng cornick si Kras)
ZAT: Yaaaaan! Yan ang bagay sayo! Cornick!
DAGZ: KAsi ang corny-corny mooooo!
ZAT at DAGZ: *apir* Hahahahahaha :))) (tawang-tawa sila sa sarili nilang joke XD)
DAGZ: Pero seroyosong usapan dude. Ano na nga bang score ninyo ni ME Yej? PAra na kasi kayong MEDIA dalawa eh...
DAGZ: Yup! Para na kayong MEDIAbetes sa sobrang ka-sweet-an!
KRAS: Ahhhh... yun pala yun.
ZAT: Pero ano nga ba talaga Kras?
KRAS: PArang WORLD'S NUMBER 2 DANDRUFF SHAMPOO...
KRAS: *with accent* Uhmmm... I really don't know...
ZAT: Hanep! Pero ano ba talaga si Me Yej sayo?
KRAS: Ang totoo nyan, nung makita ko sya dun sa play almost 2 years ago... naasinta nya na ako... SAPUL! TINAMAAN NA AKO.
DAGZ: Wait... wait... wait... 2 years ago?!
KRAS: Oo... naalala nyo yung may play tayo sa Meralco Theatre nung 2012? Napakilala na sya sa akin nun ni BF.
ZAT: Aaaaah... Oo... tama! So noon pa lang crush mo na sya?
KRAS: Oo... pero dahil mahigit 1 taon na nga ang nakalipas... eventually nakalimutan ko na sya. At ayun nga... hanggang sa 'di inaasahang pagkakataon ay nagkita kami ulit sa Mall... naging magkaibigan... una parang SMART lang... SIMPLY AMAZING KAPAG KASAMA KO SYA... kasi nakakatawa sya... hanggang sa parang MANG-INASAL... "HINAHANAP-HANAP" ko na sya... Alam mo yung tuwing katabi ko sya... REBISCO... "ANG SARAP NG FEELING" ko!
DAGZ: Huwaw! Matindi na yan tsong!
ZAT: Korek! RED HORSE na yan tsong! "LAKAS NG TAMA" mo sa kanya!
KRAS: Siguro nga... alam mo yun... para syang MERALCO... SYA ANG NAGBIGAY LIWANAG SA BUHAY KO! Tapos kapag kasama ko sya parang GLOBE!
KRAS: Oo! Kaya nga sabi ng NESCAFE.... "Para kanino ka bumabangon?"... ako? PARA SA KANYA.... I always look forward seeing her, texting her... Parang PIATOS ang buhay ko dahil sa kanya! "NEVER HAD IT THIS GOOD"!
DAGZ: Wow! Deep! *nganga*
ZAT: So anong balak mo ngayon?
KRAS: Gusto ko mang sabihing BPI... I WANT TO TAKE IT FURTHER... kaso naduduwag ako... Akala ko dati simple lang manligaw... Pero kapag tinamaan ka na pala talaga lahat ng linyang pinraktis mo nawawala na kapag kaharap mo na sya...
ZAT: Naku pare! Dapat para kang "COBRA ENERGY DRINK"! Kasi HINDI UMAATRAS ANG MAY TUNAY NA LAKAS!
DAGZ: Tama! Isipin mo na lang kapag naging kayo na... parang BAYANTEL! GAGANDA PA ANG BUHAY!
ZAT: Basta pare BDO! WE FIND WAYS!
DAGZ: At patunayan mong METROBANK ka... para masabi mo sa kanyang... "Kapag akong pinili mo... YOU'RE IN GOOD HANDS."
KRAS: Grabe! Napakaswerte ko talaga sa inyo! Parang SMB yung pagkakaibigan natin! SAMAHANG WALANG KATULAD!
DAGS: Pare, tandaan mo GINEBRA!
DAGZ, TAZ, at KRAS: NEVER SAY DIE!!! WHOOOO!
CANDIES nga ba?! CANDIES BE LOVE?!
Can this be love I'm feeling right now
I am not sure of this feeling somehow
Why do I tremble whenever you're near
I can't seem to say my words so you'll hear