I told myself that I'll blog it after a week. Good thing binago ko na url ko.
I don't really know where to start.
Sabi ni H, hindi daw kami pwede maging magkaibigan.
Kasi... never pwedeng maging kaibigan ang isang kabit at ang taong kinabitan niya.
May point naman siya eh. Kasi nga naman, sino ba namang babae gustong makitang magkaibigan 'yung lalaki niya at 'yung taong minsang nang-agaw dun.
Pero.. di ko naman naagaw eh. At di ko alam kung nagkaroon ako ng intensyon. Kasi nandun lang naman ako nung kailangan niya ako or ng someone, kaso ang iba, nadevelop ako. Pero never ko naging intensyon mang-agaw. Siguro 'yun 'yung minsang sinasabi ko na wala eh, ganun talaga. Sabay tawa. 'Yung tipong kunwari nagwagi at pinagmamalaki ko. Pero deep inside ayoko lang namang kaawaan nila ako.
Parang I'd rather seem evil than look pitiful in their eyes. Sinubukan ko namang pigilan pero na-fall pa rin ako. Na-"fall" kasi nahulog ako.. pero hindi ako na-in"love" kasi feeling ko naman di 'yun pagmamahal eh. Sana hindi. Ayoko iconsider 'yun na pagmamahal. Kasi sa pagmamahal, sabi nila, walang mali. At bawat aspeto ng naging relasyon na iyon ay mali.
Anyway, lalayo ba ako? Ang tagal ko pinag-iisipaaaan. Pero, malayo na naman ako eh. Hindi na naman kami tulad ng dati. 'Yun lang, gusto ko maging okay ang lahat. At ang paglayo, feeling ko mali. At ayoko nang-iiwan sa ere ng kaibigan. Magkaibigan naman kasi kami bago nangyari lahat nang 'yun eh.
Di ko nga alam kung gusto pa ba ni girl si boy eh. Pero inaasar ko para madevelop. Lol. Kasooo parang ayaw na niya. Kaya naaawa nalang ako kay boy kasi gusto ko maging masaya siya at alam ko si girl lang makapagpapasaya dun. Haaay. Pero buti matiyaga naman si boy. 'Yun lang nagmumukha na siyang tanga. Magulo kasi sila.
Feeling ko nga nadala lang ako ng awa tas nadevelop into feelings eh. Oh well.. ang panget naman pakinggan kung awa lang lahat 'yun.
Ako, masaya na ako sa buhay ko. Walang kalandian. Tama na drama. Jusko. Bura bura din ng mga taong di naman nagtagal. Haha. At gusto ko nalang maging pinakamabuting kaibigan sa mga kaibigan ko. I-fofocus ko nalang lahat ng energy ko sa pagiging mabuting kapamilya at kaibigan. Kaysa naman sa nababawasan 'yung oras ko para sa mga kaibigan ko dahil may lalaki ako sa buhay ko. :)
PERO DI KO TALAGA ALAM KUNG PUPUTULIN KO LAHAT NG CONNECTIONS ANG SAMA NAMAN NUN EH. BEST FRIEND KO PA RIN NAMAN SIYA ((somehow)) :((