PARANOIA 101 (Hello Ericka)
Hindi ko inexpect na makikita nung isang classmate ko na sobrang tahimik ung twitter account ko which leads to my tumblr account..so ayun medyo nahuli ang aking mala PBB na confession tungkol kay crush, medyo na paraniod ako ng very slight(as in)kasi hindi ako yung taong nag bibigay motibo pag dating sa lovelife ek-ek yung tipong medyo pa mysterious type of guy. Ganun naman talaga ako in person..tahimik, medyo pa deep thinker, medyo pa smart, medyo karispe-rispetong nilalang sa mundo. Feeling ko tuloy parang naholdap ako… Anyway, okay lang naman kahit papano kasi I trust her kasi ang bait nya, ngayon lang din ako nakakilala ng taong mas tahimik sakin, ang gaan ng pakiramdam ko pag nakikita ko siya, walang halong doubt sa pagka tao niya, matalino pa. Bilang former Psychology major, it only took me 20 seconds to trust her based on her behavior inside class, kase ka lane ko lang siya sa harapan. Ewan ko lang, pero hobby ko na talaga mag observe ng mga tao na naka paligid sakin.
Wala naman masyadong interesting na nangyare buong week kase wala namang ginagawa. Pero nag enjoy ako kase lagi ko katabi si crush.








