Larong Bata, Larong Buhay
Langit, lupa, impyerno Im-im-impyerno Saksak puso, tulo and dugo Patay, buhay, alis-ka-na-diyan!
Langit nga noong kapiling ka Pero impyerno nang ika’y lumisan na. Saksak puso ang aking nadama tuwing umaga, Tulo and dugo sa tuwing maalala ka. Patay, buhay, alis-ka-na-diyan... Aanhin pa kita anjan ka man o wala pakiramdam ko’y patay na ang aking buhay dahil di din naman ako ang iyong langit kaya’t ang aking lupa ay ang mismong impyerno.
Mangga, mangga hinog ka na ba? Oo, oo, hinog na ako Kung hinog ka na ay umalis ka na Ayoko, ayoko, iiyak ako!
Mangga, mangga hinog ka na ba? Nais ko sana matikman ka. Oo, oo, hinog na ako Yan ang sabi mo ngunit hindi pa pala ako’y iyong nauto.
Kung hinog ka na ay umalis ka na Sinabi ko ngunit di mo pa din ginawa, pareho tayo natuwa. Ayoko, ayoko, iiyak ako! Mga salitang sinambit mo at mga salitang pareho sa naisip ko.
Nanay, tatay gusto kong tinapay Ate, kuya gusto kong kape Lahat ng gusto ko ay susundin nyo Ang magkamali ay pipingutin ko..
Nanay, tatay gusto ko tinapay, ikinanta saatin ng ating sanggol Ate, kuya gusto kong kape, sinambit ng ating naging bunso, Lahat ng gusto ko ay susundin nyo, sa dulo tayo ang naging uto-uto Ang magkamali ay pipingutin ko, ang salitang ninaais nating madinig noong ating simula
Kaya’t sa dulo tayo’y sana di nag bahay-bahayan Kung saan ang ating laro ay naging totohanan.
Naway isipin ng mga kabataan Kung ano ang kanilang lalaruin at gagawin mula sa kanyang isipan.











