Practice.
Grabe! Sobrang pagod ako sa training ngayon ng Lyceum Dance Troupe - Wildstyle. Super banatan ng buto ginawa namin. Una, stretching ng pang ballet blah blah. So para sakin ang hirap nun kasi hiphop kami. Pinabalak at kung ano ano pinaggagawa samin. Nung hiphop naman, hindi ko ineexpect na ganun gagawin samin ni Tatay Xt. Pinag push-up, Sit-ups at kung ano ano mahihirap. Halos 50 o lagpas 50 ata ginawa namin. Halos himatayin na ko sa pinaggagawa namin.
Pero okay naman rin. Kahit masakit sa katawan. Kahit halos parang wala na kong braso at legs, masaya rin naman. At para samin rin naman yun. Monday, Wed & Sat ang training ng LDT. Unfortunately, tuwing sat lang ako makakapag training dahil sa hanggang gabi ang class ko.














