ANG DESISYONG LABIS KONG PINAGSISIHAN
Magandang Araw mga kapatatas :) narito ako ngayon upang magbahagi sainyo ng aking istorya,tungkol lamang ito sa desisyong kong labis kong pinagsisihan.
Alam naman nating lahat na sa mundong ito ay kailangan nating pag isipan lahat ng desisyon na ating ginagawa diba? Ngunit meron talaga tayong ugaling minsan ay di rin maipaliwanag, noong ako ay nasa ika-pitong baitang ay nagkaroon kami ng proyekto sa aming asignaturang sipnayan, ito ay ang pag gawa ng Napiers Bone, ito ay isang pangkatang gawain, nag anunsyo ang aking kagrupo na sa darating na Sabado noon ay gagawin naming iyong aming proyekto. Sumapit na nga ang sabado, pumunta ako sa lugar kung saan an gaming tagpuang mag kakagrupo ngunit konti lang kaming dumating,imbes na gawin yun ay umuwi nalang kami. Nag ambag ako ng pambili ng materyales para doon at tumulong din ako habang ginagawa yun.
Sumapit na ang pasahan ng aming proyekto, kampante akong alam ko na nailista ako ng aming lider sa grupo. Lumipas ang mga araw at bigayan na ng kard, ang aking ama ang kumuha ng kard, laking gulat ko ng pagalitan niya ako pagdating niya ng bahay dahil mayroon daw akong bagsak na grado, at yun ay ang grado ko sa sipnayan, dahil sabi raw ng aking guro ay wala akong proyekto sakanya,panay iyak ako noon dahil pinagalitan ako ng aking ama at ang mas masama pa doon ay natanggalan ako ng isang scholarship dahil sa kinalabasan ng aking pangkalahatang grado, labis kong na disappoint ang aking ama.
Pinagsisisihan ko ang aking desisyong maging kampante sa pagpasa ng proyekto,hindi dapat ako naging kampante noon at kung alam ko lang sana ay gumawa nalang ako ng para saaking sarili. Hanggang ngayon sana ay nasa akin pa ang scholarship na iyon.

















