At nagpatuloy ang kwento, naramdaman ko na naman yung pagkabalisa dahil nalaman ko ngayong pinagtatakpan na ng tatay niya itong friend ko. Pero since then, hindi pa rin nakikipag communicate. Kaya I decided to ask my Kuya again na puntahan na ulit siya at kausapin nang personal para malaman lang yung plano niya at sabihing hwag putulin ang komunikasyon - lalo kasing nakakapagpalala ng anxiety ko yung idea na hindi man lang siya sumasagot sa dami ng messages na sinesend ko sa kanya.
Hindi kami hinarap - nanay niya lang ang nakausap namin at sinabing hindi kayang humarap dahil nahihiya, dahil wala pang pambayad. Pero sa pag uusap namin yun, inensure ng parents niya na sinabi raw nitong friend ko na babayaran ako anuman ang mangyari. Sinabihan na lang namin sila na kausapin ito na makipag communicate sa akin dahil hindi pwedeng hindi.
And now, I decided na ako na muna ang mag shoulder ng bayarin niya, I know, nakakagalit dahil ako ang magdurusa sa mga dapat ay siya ang may responsibilidad. Sa akin na siya directly na unti-unting nagkakautang. Sa pananaw ko naman, yung pangalan ko ang nililinis ko, kaya hindi ko hahayaang masira ako sa banko. Sabi nga, focus on the things that you control kaya ito na muna ang gagawin ko. Mas mapapanatag ang isip ko sa ganitong paraan, kaysa sa sumakit ang ulo ko kakasingil sa kanya.
Sinabi ko ang plano sa kanya via email, nag reply na siya the next day at humihingi ng pasensya, ensuring that she’ll pay all of it once nagkaroon na siya. Mas gumaan ang pakiramdam ko, mas gumaan ang dinadala ko.
Sa totoo, gustung gusto ko nang maging maayos yung pakiramdam ko, kasi napapansin na yun ng parents ko, lalo na ng nanay ko, and pati siya, nag aalala na sa akin. Ayaw kong nangangamba ang nanay ko dahil sa mga bagay na kagagawa ng iba, hindi deserved ng nanay ko na mag-worry, kaya ako na ang gumawa ng paraan din para maging ok ako, at mapanatag din siya.
Sa ngayon, ganun, mag aabang na lang ulit ako. Hahayaan ko naman muna sila. Magpapagaling din ako ngayon dahil inuubo ako, di ako makatulog nang maayos dahil sa ubo. Sana maging maayos na ang lahat.