Dala na nga siguro ng hindi ko pagseryoso sa buhay kaya naiipon ang mga problema ko. Bigla na lang bumabalik at maaalala ko na napabayaan ko. Sabi ko nga na lahat ng bagay, sa halos lahat ng aspeto sa buhay ko, sakto lang ang nararamdaman ko. Sakto, yung tipong kung meron o wala okay lang, kung dumating salamat at kung umalis kailangan ipagpatuloy ang buhay, wag maiiwang tulala, "Keep moving forward".
Things may come and go to my life, dapat no hard feelings. Everything happens for a reason, dapat inaappreciate at tinitignan mo ang meaning ng lahat ng bagay. Eto pananaw ko sa buhay, siguro nga open minded ako at kaya kong intindihin ang mga tao na hindi lahat kapareho ko pero mahirap ipaliwanag sa tao na ganto ako at hindi ko mapipilit na maging ganto sila. May mga nagagalit sa akin sa takbo ng isip ko, sa pananaw ko sa buhay. Napaka walang pakialam, hindi seryoso sa buhay, akala ko daw madali ang buhay, may nagsasabi na mayabang daw ang bawat kilos, galaw at pag-uugali ko. Hindi ko alam ano at bakit ganun, sa totoo lang si Mama nagsabi ng lahat nang yan. Hindi nya maintindihan ano ba yang pananaw ko. May times na pinapagalitan nya ako at sasbaihin ang arte ko, mayabang at akala ko daw kug sino ako. Minsan naiinis na din ako sa sarili ko. Hindi ko na din alam bat ako ganto. Maarte? Naiinis na talaga ako. Hindi ba kasi pwedeng maalaga lang sa sarili.
Opportunity na nga siguro ang pag-aaral ko sa LB nang mabago ko naman takbo ng buhay ko, kailangan nang matuto at mapunta sa tunay na mundo.











