"Past can hurt. But, you can either run form it, or learn from it." -Lion King
I am so proud na product ako ng natuto mula sa isang masakit na pagkakamali ng aking nakaraan. Sobrang naaapektuhan pa din ako kapag naalala ko, ang sakit pa din na naramdaman mo yung bagay na yun, mas masakit na naranasan mo yun kahit di naman worth it ng taong pinahalagahan mo. Gets nyo ba?
Thankful pa din naman ako na naranasan ko yun ng maaga, at least di ba una pa lang alam ko na kung paano at hindi na ako makakagawa ng mas malaki pang katangahan. Salamat pa din sa kanya at least may natutuhan ako di ba? Basta wag kang magagalit kahit kanino kasi ginusto mo yan, you made your own choice. You decided to be there and to do that.
Ang sugat nagiiwan yan ng peklat, may maaalala at maaalala ka pa din kahit gaano na katagal pero habang dumadaan ang panahon nawawala yung sakit. Sa ngayon ako ramdam ko pa din yung sakit, share ko lang ha: tuwing naaamoy ko yung scent ng pabango ko nung panahon na tanga pa ako naaalala, nagfaflashback sa akin lahat, ramdam ko pa din yung sakit at nalulungkot pa din ako. I'm learning to make it totally fade away, wala na akong feelings sa guy na yun pero syempre once na sa kanya lang umikot yung buhay ko kaya syempre ramdam m pa din yung katangahan dati.
Ge-get over din ako sa scar na 'to.