Bakit ka umaakyat?
Bakit nga ba? Dati, naghahanap lamang ako ng sakit ng katawan. Ano kaya mayroon sa itaas ng isang bundok? Ano kaya ang pakiramdam pag ikaw na ay nakarating sa tuktok? Bakit ka pa magpapakahirap kung maganda na ang iyong kinalalagyan? Bakit nga ba? Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isipan at nawili ako dito. Siguro para makalimutan ang ibang bagay-bagay at panandaliang iwanan ang ingay ng lungsod. Maganda paminsan-minsan rin na subukin ang iyong kakayahan, Subukin ang iyong katatagan. Hindi madaling umakyat. Kailangan ng determinasyon at malusog na pangangatawan. Kung wala ka nito aba eh kalimutan mo nang tangkain pa. Maraming bagay ang dapat isaalang-alang kapag ikaw ay umaakyat. Aralin mo muna ito nang hindi maging mapanglaw ang isang magalak na isport. Ngunit bakit nga ba ako umaakyat? Hindi ko rin alam eh. Siguro sa tuwa. Siguro sa pagsasamahan. O siguro sa iyong makikita kapag nasa itaas ka na. Minsan nga, nung nasa tuktok ako ng Mt. Mangisi, Benguet, para sa induction ko sa U.P. Mountaineers kasama ang iba pang mga nagnanais maging miyembro, nakatingin kami sa papalubog na araw, naisip namin, "Siguro dahil dito." Siguro nga. photo taken by Madame Erica Salvador












