"Paano ko nalaman na may PCOS ako?"
First, hindi ako nagkaron ng mens o regla ng tatlong buwan. Akala ko at akala namin ng mga kaibigan ko buntis na ako. Kasi nga 6 years na kami ng asawa ko pero wala pa din kaming baby. Kaya lahat kami expected na buntis na ako. So nagpacheckup ako sa OB Gyne.
Unang tingin palang sa akin ng doctor, she knew already. I HAVE PCOS. Sinabi ko na hindi pa ano nagkakaron 3 months na at sinabi niya ngang polycystic ako. At sinabi nya ang unang sintomas na nakita nya sa akin. PIMPLES. Yes, tigyawat. Isa sa sintomas ng PCOS ang pagkakaron ng madaming pimples. Kaya pala hindi ako nawawalan ng tigyawat since then. After the questions and answer, binigyan nya na agad ako ng riseta at pinag-uultra sound nya ako.
Makalipas ng ilang araw, nagpa-ultrasound na ako. TRANSVAGINAL ULTRASOUND ang ginawa sa akin. At nakita nga sa ultrasound, I AM NOT PREGNANT, I HAVE A POLYCYSTIC OVARIES. Makikita sa ovaries na may mga bilog bilog. After ng ultrasound ko kinabukasan pumunta ako ulit sa doctor kung ano ang meron sa ultra sound ko. At sinabi niya nga na may PCOS ako at hindi lang PCOS ang meron ako... May problema din ang cervix ko. Wala siya sa tamang posisyon. Isa din yun sa dahilan kung bakit hindi ako magkaron ng baby. At kung magkababy man daw ako, 99% cesarian ang mangyayari at MIRACLE daw kung mainormal ko. So i have 2 problems kung bakit hindi pa ako nagkakababy hanggang ngayon.










