Spray art activities again
seen from United States

seen from Italy

seen from Hong Kong SAR China
seen from United States
seen from Russia

seen from Japan
seen from United States

seen from United Kingdom

seen from United States

seen from United States

seen from Malaysia
seen from Italy
seen from Japan

seen from Slovakia
seen from United States

seen from United States
seen from China

seen from Norway
seen from Latvia
seen from Spain
Spray art activities again
Colors and réflexion
For the name thing: Lia
“When she is angry she can forgetabout you / except when I rememberwhy I am angry it is because of you.”
angela veronica wong, when else is angry she forgets about stairs
GEN. & MRS. LIGOT UMAPIR, NAGPIYANSA
Matapos maiulat na nagtatago, lumantad na kahapon ang mag-asawang dating military comptroller retired Gen. Jacinto Ligot at Erlinda sa Court of Tax Appeals (CTA) para magpiyansa sa tigalawang kasong tax evasion.
Sa kabuuan ay nagbayad ng P160,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ang mag-asawang Ligot matapos itakda ng korte sa halagang P40,000 ang bawat asunto.
Tumangging magpa-interview sa media ang dalawa subalit sa panayam ng media sa abogadong si Atty. Emiliano Bantog, iginiit nito na hindi nagtago ang kanyang mga kliyente taliwas sa naglabasang mga ulat.
Sinabi ni Bantog na nagkataong nasa bakasyon ang mag-asawa nang lumabas ang warrant of arrest kung kaya’t napilitan ang mga ito na putulin ang bakasyon at boluntaryong sumuko.
“The couple cut short their vacation upon after they found out authorities had been looking for them. They got nervous. They wanted to clear their names,” pahayag ni Bantog.
Nilinaw din ni Bantog na ang warrant of arrest na ipinalabas ng korte ay hindi naisilbi sa kanyang mga kliyente taliwas pa rin sa lumabas na report na isinilbi ang warrant of arrest noong Oktubre 1 at Oktubre 8 sa tahanan ng mga Ligot sa Taguig.
Ibinaba ang arresto order makaraang masilip ng CTA na mayroong probable cause sa isinampang kaso ng Bureau of Internal Revenue (BIR) hinggil sa umano’y hindi pagbabayad ng buwis na aabot sa P153 milyon ng mag-asawa.
Samantala, itinakda naman sa Nobyembre 13 ganap na alas-otso ng umaga ang arraignment laban sa mag-asawang Ligot.
Kaugnay nito, hiniling ng Department of Justice (DOJ) sa CTA na magpalabas na rin ito ng hold departure order (HDO) laban sa retiradong heneral at asawa nito upang masigurong mananatili ang mga ito sa bansa sa buong panahon ng paglilitis hanggang sa pagbababa ng hatol.
“We asked for the issuance of an HDO and not just a watch list order because the case is already pending in the court,” paliwanag ni General Prosecutor Claro Arellano.
Pangamba ng tagausig, ngayong nakapagpiyansa na ang mga Ligot ay malaya pa rin silang makakagalaw sa kabila ng kinakaharap na kaso at hangga’t walang iniisyung HDO ay naroon ang posibilidad na makalabas ang mga ito ng Pilipinas.
Samantala, binigyan kahapon ng “go signal” ng Malacañang ang BIR na ipursige na ang pagkumpiska sa mga ari-arian ng mag-asawang Ligot.
Nang matanong kung suportado ng palasyo ang planong pagkumpiska ng BIR sa mga assets ng mag-asawang Ligot kahit na hindi pa nareresolba ang tax evasion case ng mga ito, “We are fully supportive of the BIR’s plan to avail of all legal remedies provided under the law to ensure that the government collects all rightful taxes due,” ani deputy presidential spokesperson Abigail Valte.
Pero may kaagaw ang gobyerno sa hinahabol na mga yaman ng mga Ligot at kahapon ay nakipagbrasuhan na ang government prosecutors sa grupong ito.
Pinababasura ng prosekusyon sa Sandiganbayan ang paghahabol ng ilang grupo ng mga retirado at aktibong opisyales ng militar sa forfeiture case laban sa umano’y ill-gotten wealth ng retiradong heneral.
Sa isinampang comment/opposition kahapon nina deputy special prosecutor Cornelio L. Somido, acting Prosecution Bureau IX director Irenio M. Paldeng at assistant special prosecutor Almira Abella-Orfanel sa Sandiganbayan Fourth Division, pinababasura ng mga ito ang mosyong inihain ng mag-asawang Shelley Veronica at Felipe Perez dahilan sa kawalan ng merito.
Noong nakalipas na Setyembre 26, nang ihain ng mag-asawa ang motion for leave to intervene, at sinabing nirerepresenta ng mga ito ang grupo ng ilang 77 sibilyan at retirado at aktibong opisyal ng militar na tunay na nagmamay-ari umano ng malaking bahagi ng 7.2 ektaryang lupain na matatagpuan sa Sitio Masalat sa Sampaloc, Tanay, Rizal.
Ang nasabing lupain ay kasama sa sinasabing pag-aari ng pamilya Ligot na bahagi ng unexplained wealth ng mga ito.
ANG KAWAWANG LIGOT, BOW.
wow! te, ikaw na ang sikat! HAHAHA. kung ako sa'yo magtago-tago ka na!