Top 5 na Gusto ko pa lalong Matutunan
Sobrang inactive ko dito sa tumblr..
January pa ang last post ko!
Since medyo tamad pa akong mag-isip ng topic,
Top 5 things na gusto kong matutunan:
- Elementary pa lang ako, hilig ko na ang mag-drawing. Mahilig din kasi ako sa anime at manga, at doon na-ignite yun. Kapag nasa SM kami, mas gusto kong ipabili kay mama yung artist's set (yung may crayons, colour pencils, colour pens, water colour, eraser, sharpener, etc.) kaysa sa mga laruan.
Hindi ko pa nasusubukan mag-sketch, at hindi ko din alam kung ano ang silbi ng iba't-ibang klase ng lapis kaya ko gustong pag-aralan to.
About naman sa painting, wala pa akong masyadong background dahil puro props lang ang napipintahan ko. Pero, tuwang-tuwa ako kada ginagawa ito. Bilib na bilib din ako pag may nakikita akong mga paintings.
Kung i-jujudge ko (scale of 1-10, 10 ang highest) ang skills ko, ito ang sa tingin ko:
2. Video Editing & Animation
- Again, anime ulit ang major na dahilan. Pangalawa naman ang mga Hollywood movies.
Marunong akong mag-edit ng video, pero gusto kong i-next level.
Sa editing, siyempre, nagsimula ako sa Windows Movie Maker. Ngayon, Sony Vegas Pro na ang ginagamit ko. Mukhang complicated sa una. In-observe ko ang kaklase ko kung paano siya mag-edit. Tapos yun, nung sinubukan ko na, maganda naman ang kinalalabasan.
Sa animation naman, no experience pa. Alam ko kung panu gumagawa ng stop-motion, yun nga lang, never pa akong nag-attempt. May ka-room mate akong nag-aaral neto, tapos sinasabi ko palagi sa kanya na turuan niya ako. Payag naman siya, kaso kailangan magandang klase ang computer/laptop mo. Ganun din naman sa editing, pero mapag-tiyatiyagaan pa kung hindi ka naman gagawa ng heavy editing.
Note: More on arts po ang hilig ko kung napapansin niyo. :D
- Marunong na ako gumamit ng Adobe Photoshop. At gaya ng mga nauna, basic knowledge pa lang. Hindi ko pa kayang gawing sexy o macho yung mga ine-edit ko. Simpleng tanggal pimples, gamit ng lasso tool, change background, colouring, at konting layer manipulation pa lang.
Nga pala, kung gusto niyo ng basic photo editing programs, Photoscape at Paint.net ang ma-rerecommend ko.
Note: Medyo off itong cooking, pero arts pa rin. XD
- May talent naman ako. Kapag may gusto akong lutuin, tinitignan ko dito sa internet yung recipe. Masarap din naman daw. Palpak lang ako kapag dating sa paghiwa ng ingredients.
- Kahit nakakaleche daw to, gusto ko pa rin magkaroon ng knowledge dito. Ang astig rin kasi kapag marunong kang mang-hack o gumawa ng virus! JK! Hindi ko gagamitin to para diyan (unless, kung may kaaway XD).
So far, pagtanggal pa lang ng usb virus gamit ang cmd ang alam ko.
Marami pa kong gustong matutunan, pero yan talaga ang mga pinakagusto ko.
Good luck sa kin, at sa inyo na ambisiyosa din! XD