Nakapagitan ka sa mga istorya
ng mga nagtutunggaliang pamilya
at pakikipagpatintero sa tadhana
ng 'sang pares ng binata't dalaga.
(Pakikipagpatintero namin)
Nakikita kitang nagpapaanyaya:
Nakangiti at makinâng ang ngipin
Sunod sa uso't elegante ang suot
At ang buhay ay parang pinandidirian
ng anumang uri o specie ng lungkot.
sa anumang inalalakô sa'king mata
maaaring ang buhay ay mas maluwag
Sa mga maikli ngunit makukulay mong mga pangako.
Sabay maalalang wala palang pambili.
Sabay masasabing meron na 'ko niyan
Hindi pala kita kailangan
Walang epekto ang iyong DTI permit
hindi matutuksong sumali sa promo
maaalalang wala naman akong sakit
at hindi ka kailanman magagamit
bilang pamalit sa mga gamot.
ang dalaga ay kumaripas ng takbo
sabay hawak sa kamay ng binata
welcome back to the show.