Wala na bang permanente sa mundo?
Halos lahat ng bagay sa mundo nagbabago. Pati na nga rin gusto ng mga tao nagbabago na rin. Fascinating lang masyado kasi dahil dito, yung mga bagay na dating permanente, ginagawa nalang temporary.
Sa post na'to ililista ko yung ilang bagay na temporary nalang.
1. Gadgets. Halos lahat ganito. Hindi tumatagal ng isang tao yung cellphone e bigla nalang papalitan dahil gusto ng mas high-tech at mas high-end na operating system.
2. Tattoo. Dahil takot sa karayom, nagpapahenna tattoo nalang ang iba instead of the temporary one. Kesyo bawal sa trabaho, magmukhang astig ng panandalian or whatever is it,.
3. Sasakyan. Before, patibayan ng sasakyan. Ngayon pagandahan pero yung iba ang dali lang masira. Jus ko!
4. Lovelife. One month, two month. Minsan nga ang iba araw lang. Naku! Parang ewan. Guilty rin ako sa topic na 'to. Alam mo kasi yung akala mo siya na, yun pala hindi. O kaya, iniwan mo tapos gusto mo sa iba, yung ending e gusto mong balikan yung ex mo.













