parts
n.d.
seen from United States
seen from South Korea

seen from United States

seen from Malaysia
seen from Italy
seen from China
seen from United States
seen from Russia
seen from United States
seen from China
seen from China
seen from China

seen from Canada

seen from United States

seen from Germany

seen from France
seen from China

seen from United States

seen from Singapore
seen from Maldives
parts
n.d.
untitled
kung ikaw ay natusok ng rosas
kasalanan ba niya to o kasalanan mo?
kung tutuusin, wala naman talaga siyang ginawa
kundi manahimik sa isang gilid
ikaw itong lumapit at inabot ang kanyang tangkay
---
anong inakit?
kung naakit ka sa kanyang ganda,
hindi ba't ikaw yata ang problema?
---
hindi niya tinawag ang iyong atensiyon
ikaw ang pumansin sa kanya
at tinangkang angkinin siya
nambulabog ka't bilang kabayaran ay nasaktan
---
pero diba't alam mo namang may tinik ang rosas?
at kung hindi man, hindi ba't kita naman ang mga ito?
hindi niya kasalanan kailangan niyang protektahan
ang sarili sa mga pakialamerong kamay
ginambala ang kanyang pananahimik
---
kinailangang maging matinik at mapanakit ng rosas
dahil pagod na siya sa pang-aabuso ng kanyang ganda
at kapag ang talulot niya'y nagsimula nang malanta
iiwan, at itatapon kung saan
literyeture
a few days after prom
16 february 2018
Hello you look great tonight
You look different in this dim light
Place you hand on a waist
I put my fingers on someone else’s shoulders
---
The music’s beats is a heartbreak
As I see you across the floor
You gave her your smile so sweet
I fake a smile, I’m weak
---
I turn my back to you
But the light catches you move
I sway my feet to a different place
You sway back to chase
Stay there, don’t come near
As I cannot hide another tear
---
Empty bottles fill our spirit
But only you can fill this empty hollow soul
Don’t stop smiling honey Even if it’s meant for another girl
literyeture
untitled
27 april 2021
ang gusto kong tula ay iyong may tugma
limitado ang pantig, pantay ang sukat
planado na ang gagamiting salita
maging ang paksa nito’y nakalatag na
---
sa tula ko hinahanap ang strukturang
sa tunay na buhay ay kinakalinga.
kapag ang mga linya nagtutugma na,
puso’y nagagalak, puso’y natutuwa
---
sa ganitong ayos ako ay masaya
nang ikaw ay biglang dumating at unti-unting sinakop ang aking tula,
unang binuwag ang planadong bilang ng sukat
pati ang tugma ng linya’y nawala
humaba ang bawat saknong,
umiiksi ang pantig
natakot ako pagkat,
pakiramdam ko’y ninakaw mo sa akin ang seguridad
na dala ng striktong estruktura ng tula
ang isip ko ay gumulo
ang mga salita, nawala at hindi na mabuo
yung ibang nailalagay, parang walang saysay
ang iba, hindi pa tapos
---
ngunit nanatili ka’t sinabing ayos lang,
nanaiintindihan mo kahit walang talinhaga
“sapat sa akin na marinig ang iyong salita
dahil sila ay sayo at yun ang mahalaga”
sinubukang muling bumuo
hanggang ang nahanap muli ang ritmo
dumating muli ang mga salita
ngayon, iba na ang porma at itsura
---
tinuro mong hindi laging kailangan ng sakto
hindi dapat magpatali sa panuntunang binuo ng iilan
na hindi kailangang magstick sa iisang uri
ang magsamahin ang mga ito’y hindi ipinagbabawal
kailangan lamang ay umagos ang feelings
puno ng truth
at something na makakapagpabatid nito
---
kaya kung tatanungin ulit kung ano ang preference ko sa tula,
ang gusto kong tula ay yung totoong damdaming mo ang nilalaman.
literyeture
untitled
30 October 2018
You're deep in thought as you look on
As the horizon spreads in red and orange hue
You whispered to the clouds "Will she ever be mine?"
I buried in my thought "Will you ever be mine?"
---
The edge of your eyes has this gleam
Like you are on a trance, a never ending dream
Talking to you is a shallow puddle
But inside you're an ocean of wonders
---
I wonder often as the busy streets rustle
Why do we like people whose eyes are for another?
Twinkles the star from millions of miles away
I tire myself looking at each of them
literyture
Ikot
Ayaw mong umasa pero nakikita mo siyang naglalakad sa direksiyon mo.
Hinga. Hindi ka niya pupuntahan.
Itinuon mo na lamang ang atensiyon mo sa tugtog. Ang paborito mong kanta na alam mo lahat ng letrang nakapaloob. Pero ngayon para kang nabablanko kasi siya ay nasa harap mo na. Biglang bumilis ang galaw ng mundo at hindi mo namalayang sabay kayong naglakad papunta sa gitna.
Siksikan at mainit ngunit pakiramdam mo kayo lang dalawa. Lahat ay malabo, lahat ay tahimik. Ang tanging alam mo lang gawin ay hawakan ang kanyang kamay at titigan ang ganyang mukha.
Pinisil mo ang kanyang kamay nang hindi mo namamalayan. Shit. Nakakahiya.
Binitawan niya ang pagkakahawak sa iyong baywang. Ikaw naman ngayon natakot na ikaw ay kanyang bitawan. Itinaas niya ang iyong kamay na hawak niya. Umikot ka.
Kaba ang bumalot sayo at takot na pagharap mo, wala na siya. Ngunit naroon pa rin siya. Nakangiti. Nginitian mo siya. Nagtawanan kayong pareho na parang mga batang may sikreto
literyeture