Bakit ganyan ka?
Kung kelan okay na ako, tska ka nagttweet ng mga ganyan ganyan mo. Tingin mo ba maaapektuhan ako. Well, Oo. Nagtatagumpay ka. To tell you honestly, di ko alam kung bakit ako nagkakaganito samantalang alam kong kuntento na ako sa kung anong meron ako ngayon. Naiinis ako. Hindi ko kasi alam kung kaylangan pa ba talaga nating mag-usap or hahayaan ko na lang lahat ng bagay. Mas masakit kasi yung may regret diba. Pero ewan ko. Feeling ko kasi nagiging unfair ako ngayon.
Bakit sinasabi mo na parang buti pa ako, mahal kita kahit ano kapa, naisip ko din yun eh. sa ibang tao, talagang may mga basis pa ako. Pero sayo, wala. Bakit ganon? Bakit ganyan ka? Sana sinabi mo yan nung mga panahong kaya ko pang makipaglaban. Pero tingin ko ngayon, sayang na lang lahat yan.
Sayang yan. Sayang ka. SAYANG TAYO.
Sana maging masaya ka na lang para sakin. Matagal pa tayong mabubuhay sa mundo. Hanggang sa muli nating pagkikita, ;>















