Alamin ang iyong kapalaran sa #loloscope Jan 6, 2013
Isa na namang kabanata ang mababasa niyo sa ibaba. Paalala ang anumang pagkakatulad na kaganapan sa totoong buhay ay maaaring isa lamang itong kuinsidens. Ito ay nagsisilbing gabay lamang at meron tayong freewill gamitin natin eto.
ARIES - Sa 7 colors of rainbow na suot mo sa araw na ito, tiyak na mapapansin ka ni crush. Lucky color kulay orange na mamasa-masa
TAURUS - magiging sikat ka sa school ngayong araw gawa ng madudulas ka sa harap ng maraming tao. Goodluck! Lucky color bayolet
GEMINI- pag hindi ka pinansin ni crush isipin mo na lang bading siya para di ka ma-stress. Lucky color fucha
CANCER- magkakatampuhan kayo ng nanay mo. Gawa ng hindi mo siya pinagbigyan na magkompyuter. Paisahin mo naman. Lucky color putik
LEO- Panay itlog ang score mo sa test kaya makakapagdesisyon kang galingan ang pangongopya sa susunod na exam.
VIRGO- Di na uso ang jejemon kaya mag iiba ka na ng style. Bibili ka ng 30 pirasong Varsity Jacket. Lucky color lantang talong
LIBRA- maiipit ka sa isang malaking pagsubok. Tatabihan ka ng dalawang jumbo size na babae sa LRT. GoodLuck! Lucky color orins
SCORPIO- Pag-iisipan mo ito "papasok ka ba sa school o papasok ka sa school" kaya makakapagdesisyon ka sa huli na pumasok sa school
SAGITTARIUS- Gagawa ka ng 100 accounts sa twitter para i-follow mo ang sarili mong acct. Congrats! magkakaron ka ng 100 followers
CAPRICORN- sa hilig mong mag tong-its aayain ka ng professor mo na mag lucky 9. At uuwi kang talunan. Lucky color black na heart
AQUARIUS- minahal ka daw nya. Pero mas mahal niya yong isa. LANDI tawag dun o kaya KATI. Lucky color penk.
PISCES- Cute ka sana kaso di pa nauuso ang mukha mo, makabubuting lumabas ng bahay kapag nauso na ito. Lucky color putim












