Planner ko.
Namimiss ko na ang magsulat sa planner ko.
After nung prelims, hindi na yata ako nakakapagsulat sa planner ko.
So hindi na sha updated to the core :( Aw. Kalungkots naman.
Mamaya nga pag-uwi ko sa bahay, magsusulat na ko sa planner ko. Or not. Baka matulog ako agad kase. Ahahahaha.
Ang nasa isip ko lang ngayon ay yung ginagawa kong Jrn paper. Hindi ko malalaman kung ano ba dapat kong asikasuhin kung hindi nagpost ang isa kong ka-block ko sa group namin.
Meron pa kong 3 papers pa pala na gagawin.
Isang major effin' paper sa English. At dalawang pa-major paper sa Filipino.
Kinginang buhay.
Nga pala, may new members na ang Artistang Artlets bukas. O kay bilis ng panahon. Naalala ko dati kung gaano ako kasaya at ka-fulfilled kulang nalang tumalon tumambling ako sa tinoko nung naging new member ako. Sana ganoon din ang maramdaman ng mga naghirap talaga para maging member. Hindi lang yung mga papansing bata dyan sa blumentritt at mga nanlilimahid na mga pacute dyan sa espanya.
Charot. Maka-linya? AHAHAHA.
Basta. Ayusin ko na buhay ko simula ngayon. Bakbakan na to.
Simula mamaya, organize na uli ang buhay ko.













