Past
Alam kong alam mong malakas akong babae. Oo. Totoong naging bitch ako simula nung hiwalayan mo ko. Pero habang kasakay kita kanina sa tricycle, gusto kitang kausapin. Hindi sa umaasa ako. Gusto ko lang itanong ang mga bagay na hanggang ngayon hindi mo pa sinasabi sakin. Mga bagay na hanggang ngayon hindi pa rin malinaw sakin.
Ganyan ka na ba katigas? Ni hi o hello wala? O kaya sorry? Bakit? Bakit nga ba tayo nagkaganto?
Masama ang loob ko sayo? oo. Kasi iniwan mo ko. Kasi hindi ka nakuntento. Pero wala na rin naman akong magagawa sa bagay na yan. Tapos na. Parte na ng nakaraan. Kaya hinayaan ko na sa lugar na yun.
Sana sa susunod na pagkikita natin, okay na. Magagawa na nating magpansinan.













