Sa tuwing mababasa ko yung mga dating post ko sa mga lumang account ko dito sa Tumblr. Tsaka ko na-realize hindi pala talaga dapat hinahanap ang TRUE LOVE na sinasabi nila. Kasi kusa yun na nadating. Na hindi mo kailangang ipagpilitan yung sarili mo sa ibang tao, na oo nga masaya ka sa kanya, sa ginagawa niyo, pero lahat ng yun ay dahil sa IPINILIT na gustuhin. Darating at darating din ang tamang tao para sayo. Yung makakapag bigay sa'yo ng tunay na pagmamahal. At dun mo mararamdaman ang ipinagkaiba ng IPINILIT at KUSA na klase ng pagmamahal.








