Pag nabasa mo to, wag na tayong kumapit pa sa "baka balang-araw", "baka sakali", "baka pwede pa", at "baka may tsansa pa".
Senyales na to para bitawan na natin ang lahat ng inaasahan, bigat, at natitirang pag-asa natin para magkaroon tayo ng espasyo sa mga bagay na paparating pa na mas maganda pa, mas maliwanag pa, mas magaang pa, at para sa atin talaga na hindi kailangang ipilit dahil alam nating kahit anong mangyari, hindi yun maaagaw sa atin kasi handa yun na palagi tayong piliin, handang manatili, laging nandyan kahit sa mga araw na kapalit-palit, at di tayo kamahal-mahal.
Matauhan na sana tayo. Sinampal na tayo ng pagkakataon pero sinusubukan pa din natin, pinipilit, at pinagpapatuloy. Hindi lang tayo ang nasisira pati siya. Sa huling pagkakataon, mahalin mo pa siya sa huling tingin at tanaw, pagkatapos ay bitaw na, sabi nga ni Juan Miguel Severo, Juan Miguel Rivera Severo.
Magpahinga. Sumuko. Lumayo. Lumisan. Mang-iwan nang may iniwang mensahe para pare-parehas tayong maka usad at magkaroon ng sagot. Mas nakakasira ng puso, isip, at kaluluwa ang pagkapit kaysa pagpapalaya. Palayain mo siya. Palayain na natin ang mga sarili natin. Palayain mo ang kayo, ang tayo, hayaang lumipad, lumayo sa isa't isa dahil baka sa paglipad natin, mahanap natin ang para sa atin talaga.

















