Tapos na ang trabaho Photo taken in Bonuan, Pangasinan
seen from China
seen from United Kingdom
seen from Malaysia
seen from United States

seen from United States

seen from Singapore

seen from United Kingdom

seen from Malaysia

seen from Singapore

seen from United States
seen from Netherlands
seen from China
seen from China

seen from Australia

seen from Japan
seen from China
seen from China

seen from United States

seen from United States
seen from United States
Tapos na ang trabaho Photo taken in Bonuan, Pangasinan
Itim na Buhangin, Itim na Budhi.
* Etong tulang to, naisulat ko dahil sa experience ko nung BMI namin sa Malimpuec, Pangasinan. Yung pinost kong picture na nasa TV na ako, ayun yung story nun.
Nagpunta sa minahan
Nang itim na buhangi'y masilayan.
Mga pangyayaring di inaasahan,
pilit na pinapaalis ng guwardiya dahil sa kautusan.
Pinaratangan rallyista,
Kahit wala namang palcard ni isa.
Sinabihang madadaya
Dahil di daw kami nagyaya.
Kinakamkam ang karagatan,
binakuran upang walang makadaan.
Mamamayan ay tinangalan
Ng karapatan pati na rin kabuhayan.
Mga politikong ganid sa yaman,
Walang pakialama sa kalikasan.
Para sa kanila ay di raw masama,
Sa pagpapaunlad, ito raw ay akma.
Pansariling interes ang pinaiiral
Pagmumuka'y wala kasing kapal!
Nagkukunwaring makatao,
Ngunit sa likod ng masakara ay demonyo.
Tigilan na ang panloloko!
Dahil ikaw ngayon ay bistado!
Maawa ka naman sa nasasakupan mo.
O, goberndador na charotero!
SUMULONG, SUMULAT, MANINDIGAN AT MAGMULAT!
Hi. Nakauwi na ako mula sa Lunduyan 2012 sa Dagupan. Sobrang life-changing ng experience ko dun sa 1 week activity ng CEGP. Mas namulat ako sa mga socio-political issue at ang totoong estado ng Pilipinas sa ibat-ibang aspeto. Hindi lang yun, natutunan ko ang tunay na role ng mga campus journalist na katulad ko. Hindi lang dapat ikahon ang sarili sa mga nangyayari sa loob ng eskwelahan bagkus kailangan din nating ipabatid sa mga kapwa natin estudyante ang mga bagay na hindi ibinabalita ng mainstream media.
DAY 1 (ORIENTATION)
Fieldtrip at Bakasyonista lang ang peg. Hahaha! Wala naman masyadong nangyari sa Day 1 kasi parang orientation lang ang ganap.
DAY 2 (BASIC MASS INTEGRATION)
Yung group namin na assigned sa Brgy. Malimpuec, Lingayen para sa BMI or Basic Mass Integration. Ang layunin neto ay alamin ang kinakaharap na problema ng masa.
Dito sa Malimpuec, ang pinoproblema nila ay ang kanilang kawalang ng kabuhayan dahil sa patuloy na pagkamkam sa kanila ng kanilang lupa at pag-angkin ng Lingayen Gulf na dapat ay sa mamamayan. Pati rin ang paninira ng mga makapangayrihan sa Lingayen Gulf at patuloy na pagmimina ng black sand na siyang inexport upang gawing bakal.
Nagkaron kami ng cassroom discussions, yung sa amin ay On Women and Children's situation. Tapos pumunta kami sa Mining site. Ngunit sa kasawiang palad e hindi kami pinalapit dun sa mismong may black sand. Pinaratangan pa kaming mga rallyista(kahit wala kaming placard?).
Pumunta kami sa parte ng Lingayen Gulf na hindi pa nababakuran at nagsagawa ng clean-up drive at mangrove planting.
Tapos nanood kami ng indie film na inspired by the Maguindanao Massacre, ang "Deadline" ni Direk Joel Lamangan.
DAY 3 (FORUM WITH THE GOVERNOR'S REPRESENTATIVES AND KAWARLUX PRACTICE)
Nagpunta yung Provincial PIO sa aming conference dahil sa napanood nila sa ABS-CBN. May kasama kasi kaming media nung nagpunta sa mining site at hinarang. Inexplain niya yung kanilang side at nagakroon ng mainit na balitaktakan.
May dalawang forum at 2 classroom discussion. Sobrang hands down ako dun kay sir VJ na nagdiscuss sa Opinion writing, ang galing galing nya.
Then nagpractice kami ng mga ka group ko (KALasag, The Warden at Fiat Lux= KAWARLUX) para sa cultural presentation.
Tapos nagkaroon din kami ng Campus Press Freedom Caucus kung saan nag share ang iba't ibang publication sa group namin NCR B: [The Advocate (FEU), The New Frontier (NCBA), MPC Journal (MPC), Fiat Lux (NTC) at KALasag (UP-KAL)] ng mga problema at mga violations sa press freedom sa kanikanilang mga kolehiyo.
DAY 4 (CULTURAL PRESENTATION AND 8th EMMAN GAWAD LACABA)
Performance night tapos inanounnce yung winner for the 8th Gawad Emman. Ang saya lang kasi nagkaron ng special citation yung entry nung isa naming writer na si Don para sa kanyang short story na "To Fly is to be Flown" Ang galing niya lang talaga!
Sucessful lang yung naging performance ng group namin. Go KAWARLUX! :)
DAY 5 (CLOSING CEREMONY)
Uwian na.Awarding ng certificates tapos NCR Congress.