Last year, March 8, 2014 was my scheduled entrance examination. Sa Bulacan pa ako umuuwi kaya bumyahe ako mag-isa since nasa manila na si Papa kasi doon siya nagwo-work. So yun, 11am ang exam ko kaya umalis ako dito sa amin exactly 7am ng umaga, dahil ayokong ma-late sa exam, at dala na rin ng sobrang ka-excite-dan ko maka-punta sa aking dream school. Tulad nga ng inaasahan, tayuan sa bus at sobra pang traffic, pero `di ko alintana `yun kasi excited na talaga ako. Then finally nakasakay na ako ng LRT mga 9am na, dahil sobrang traffic. At nakarating ako ng Central Station mga, 9:30am na. Doon kami nagkita ni Papa. Pumunta muna kami ng Sm Manila kasi marami pa namang time. Binilhan niya ako ng phone at tablet kasi that time nasira phone ko. Atsaka para raw maipasa ko `yung exam. HAHAHA. Then kumain muna kami bago kami pumunta ulit sa LPU. Wooooo! Ito na! First time kong nakita ang LPU sa personal. Napa-wow na lang ako kasi finally, nakita ko rin ang future school ko. Nagtanong ako sa guard kung saan kami papasok. Sa gate 2 ba or 1. Then sabi niya sa gate 1 kami dumaan. Pinakita ko kaagad sa guard `yung application form ko then pinasign si Papa para maka-pasok din siya. At siyempre tinanong ko ulit `yung guard kung saan `yung Computer lab 2. Habang paakyat kami ng hagdan, syet! Kinikiliabutan ako. May kakaibang feeling kasi naglalakad ako sa school na alam kong belong ako. Nakita na namin yung room kung saan kami mageexam. Medyo madami-dami na ring tao. Nakita kong madaming maganda sa kanila, sabi na nga ba maraming maganda dito, eh. Hahaha. May kinausap akong isang babae tapos nagtanungan kami kung anong course 1st choice namin, pareho kami Tourism ang gusto. Kiniss ko si Papa para maka-hingi ng goodluck kiss. Then nag-roll call na `yung proctor saka kami pinaupo isa-isa sa assigned seat namin. Malapit ako sa pinaka-dulo, well, ‘T’ kasi ang surname initial ko. :/ Hahaha. Tapos binigyan kami ng instruction at scratch paper. At sa wakas nagsimula na ang exam. Kinuha ko yung pencil ko and OMG! walang tasa -_- Kaya kinapalan ko na ang mukha ko at nanghiram na ako ng extra pencil sa katabi ko. Wala eh, baka di ako makapagcompute kapag `di ako nanghiram. Noong natapos na ang exam, naka-ngiti akong lumabas ng lab saka niyakap si Papa. Sabi ko, Yes pa! Papasa ako!
After 30 minutes pumunta naman kami sa Guidance and testing room to claim the result. Ang tagal kaming tawagin kaya nag-phone muna ako habang hinihintay na tawagin ako. Tapos isa-isa nang tinawag at pinapasok sa isang room. Nung turn ko na, sabi ko kay Papa, Pa, sana pumasa ako. Hahaha. Kakaba-kaba akong pumasok sa room at umupo sa isang upuan doon. Kinausap ko pa nga yung isang girl eh. “Joy” yata ang name niya. And tourism din ang 1st choice niya. Tinawag na ako and kinakabahan akong tumayo. Halos mapatalon ako sa saya noong binigyan ako ng papel and I passed my 3 choices na course, and kasama doon ang tourism.