It takes around 200 muscles to take a single step, but I realize it can't be that much since I watched you walked so easily away from me.
seen from T1
seen from Germany
seen from China

seen from United States
seen from Netherlands

seen from Australia
seen from Thailand
seen from United Kingdom
seen from Canada
seen from Morocco

seen from Malaysia
seen from Italy
seen from Singapore

seen from T1

seen from India

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from France
seen from Maldives
It takes around 200 muscles to take a single step, but I realize it can't be that much since I watched you walked so easily away from me.
Hindi Mo Siya Mahal (Maniwala Ka)
Hindi karapat dapat sambitin ang pangalan niya sa simbahan, masyado siyang maraming kasalanan. Hindi mo siya gugustuhing ipagdasal na makasama. Hindi mo siya maihihilera sa mga listahan mo ng "maganda", hindi iyon ang eksaktong salita, higit pa siya sa depinisyon mo sa maganda. Hindi mo siya mahal dahil lamang nakita mo siyang maganda kahit na sabihin mong higit pa sa mukha o hitsura. Hindi mo siya gusto.
Pinapahalagahan mo rin ba ang madilim na bahagi ng buwan katumbas ng pagmamahal mo sa liwanag na nakikita mo mula dito? Hindi mo pa nakikita ang madilim na bahagi ng buwan inibig mo na ang liwanag.
Mali.. mali na kinilala mo lamang ang liwanag, hindi iyon ang kanyang kabuuan.
Ang mga karagatan at dagat ng mundo ay may mga nakakubling nilalang at halimaw na ayaw magpakilala. Ganoon din siya. Marahil ay hindi mo nanaising makilala. Hindi mo magugustuhan.
Hindi siya ang madalas na napapasama sa mga paborito, bihira ang tumititig sa kanya upang alamin ang bawat detalye.
Isa siyang obra maestra, isang gawa ng sining. Bihira ang ang nakakaintindi, bahagya lamang ang nakakapansin. Pambihira ang mga taong dumadaan upang intindihin at kahit papaano'y naiintindihan ang pagiging kumplikado niya.
Hindi siya katulad ng iba, mahirap siyang arukin. Diyos lamang ang may sapat na talino at kakayahan para malaman ang bawat ibig sabihin ng mga metaporang pinanggalingan niya, ang bawat uka, ang bawat madidilim na sulok, ang bawat klase ng kulay na gawa siya.
Isa siyang sansinukob, isang daigdig na hindi mo nanaising mapangahas na alamin, diskubrihin, saliksikin at alamin.
Malamang na maninibago ka, mas malala, matatatakot ka.
Hindi siya tulad ng iba, Hindi mo siya lubusang kilala at maniwala ka, hindi mo siya mamahalin. Maniwala ka, hindi siya ang iginugol ng oras mo sa bawat segundong nakapikit ka sa iyong mga panaginip, isa siyang nilalang na malayong malayo sa patago mong sinasamba na maliit na rebultong nabuo mo kakaisip sa kanya, hindi siya ang mga likha mong hinuha, ipinantasya o iyong inakalang kilala mo na.
Ibang-iba siya.
Maniwala ka sa abiso ko, pakinggan mo ang bawat salitang sasambitin ko; Hindi siya ang taong sinasabi mong minamahal mo, hindi siya ang babaeng gugustuhin mo.
Mali ka.
-Dor
May 26, 2016
*Inspired by Ate Michelle Manese’s “Don’t Call Me Beautiful”
Thank you for the awakening. :)))
There are mirrors I'd rather not pass in fear of them being the Erised. Our photographs still wave as if they mock me. The portraits on the wall ask me how you are.
M Manese, Minerva McGonagone
Tell me how many hands have attempted to paint over your lonely, how many of them did you allow? And I'm standing here with a can of paint, but painting you, I don't know how.
M Manese, Magic 8 Ball
Tandaan n’yo: Walang mahirap sabihin ang taong may kinukumbinsi, ‘diba? Mga pangako niya ay tila alak na minsan ka nang binago Ngunit binabalik-balikan mo pa rin--masarap ang bawal, hindi ba? Sinabihan ka ng “habambuhay” Para lang hindi siya maging mag-isa. Hindi mo inalala na minsan ka na niyang sinabihan ng patawad para lang ipaalala sa sarili niya na nariyan ka Na nariyan ka lang, Hindi pa kayo tapos--na siya lang ang may karapatang magtapos nito.
M Manese - Countdown
(putangina ang ganda ng tulang to nakakainis please)
Here’s M Manese performing her new piece, Checklist (To Mr. Out-of-My-League), at WA’s anniversary show! :)