4-12-2013 Ang tagal ko bago mag-update ng blog. Para sakin, mas magandang ganun kesa puro published TA's at 'Online Check' lang yung mga ipo-post ko. Pang famous lang yung ganun. Haha. Gusto ko kasi kahit papano, pag may bumisita sa blog ko [kung meron man] personal posts ko yung maalala nila hindi lang yung mga onliner posts na galing sa twitter at facebook. Pero hindi ko naman sinasabi na na wala akong posts na galing sa twitter or facebook. Meron din naman, pero mas lamang naman siguro yung Personal Posts [ata?]. Anyways, iba-iba naman yung mga bloggers. Iba't-ibang ways ng pagb-blog. Kaya nga masayang mag-babad sa Tumblr. Daming variety. Minsan may mababasa ka na lang sa Dash mo na mage-explain ng whole feelings mo, yun bang summary ng nararamdam mo, na-contain sa isang text post. Yung mga unexplained thoughts mo nabibigyan ng linaw. At yung mga post na mare-realize mo na hindi lang pala ikaw yung nakakaranas ng ganung sitwasyon. Time check: 2:21am [04-13-2013]. Di ko na alam kung saan patungo tong post na to. Nahihilo na kasi ako. Galing kasi akong Birthday Party. Post celebration ng Birthday ni Shai. Saya. Putanginang Tequila yan. Gwapo ni Thon. Tas punyeta yung henna ni Kyle di ko nakita. Kbye.