6:18 a.m.
Tae, kinabahan talaga ako ng nagising ako ng ganyang oras naisipan ko pa nga wag na maligo kaso may p.e. lagkit lang. 20 minutes kasi ata ako naliligo tapos mag aayos pa, mga 15 minutes ata tapos papasok pa school papunta eh mga 20 minutes rin. Eh taga guiguinto pa ako tapos school ko sa malolos. Grabe lang, akala ko hindi na ako makakapasok. Buti na lang at hinatid ako. Nakagawa ako ng assignment tapos nakakain din habang math haha. Nahuhuli na ata kami pero hindi kami pinapagalitan, bakit kaya.











