Kung unsure ka sa feelings mo, sabihin mo. May tao kasing tanga para maniwala sa lahat ng sinasabi at pinapakita mo.
seen from Italy
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Italy
seen from United States
seen from United States
seen from Russia
seen from United States
seen from South Korea
seen from Maldives
seen from China

seen from Malaysia
seen from Maldives
seen from China

seen from Malaysia
seen from China
seen from Yemen
seen from United States
Kung unsure ka sa feelings mo, sabihin mo. May tao kasing tanga para maniwala sa lahat ng sinasabi at pinapakita mo.
Mahirap pag wala kang karapatan.
Madami kang gustong gawin at sabihin pero di mo magawa. Bakit? Kasi hindi mo naman alam kung ano talaga kayo, kung ano ang magiging reaksiyong niya kung gagawin o sasabihin mo yung mga bagay na nasa isip mo. Mahirap, pero bakit hindi mo magawang mag tanong? bakit hanggang sa isip mo na lang ang lahat? Dahil ba ayaw mong mawala siya sa'yo o baka hindi mo magustuhan ang sagot niya?
Nakakabaliw na mga tanong, mga tanong na nagiging dahilan ng pag pupuyat at pagkakatulala mo. Mga tanong na gustong gusto mo itanong sa kanya pero natatakot ka. Sa totoo lang madami ka namang pwedeng gawin eh, maging matapang ka at sabihin na ang mga gusto mong sabihin, pero dapat handa ka sa mga sagot na matatanggap mo. Pwede ding tumahimik ka lang muna, makiramdam ka kung ano na ang nangyayari, kung saan kayo papunta o kung may pupuntahan pa nga ba ang ginagawa niyo.
Isang araw nanaman ang lilipas na puno ng tanong ang isip mo, lumilipad ang utak mo papunta sa kanya. Nasasaktan ka, naguguluhan ka, naghahanap ka ng sagot kasi parang ramdam mo malapit ka na sumuko. Sa tuwing bubuo ka ng desisyon, maalala mo, pwede ko ba 'tong gawin? pwede ko ba 'tong sabihin? eh wala naman akong karapatan.
Hello! :)
1. First impression: fluffy! haha
2. Truth is: wala akong maisip haha
3. How old do you look: 20 hahahaha
4. Have you ever made me laugh: yes!
5. Have you ever made me mad: nope
6. Best feature: yung ngiti? haha
7. Have I ever had a crush on you: nope
8. You’re my: friend/follower
9. Name in my phone: wala eh
10. Should you post this too?: yes
HELLO :)
1. First impression: malaki
2. Truth is: ang ibon hahahaha
3. How old do you look: 20
4. Have you ever made me laugh: yes
5. Have you ever made me mad: no
6. Best feature: idk hahahaha
7. Have I ever had a crush on you: no
8. You’re my: iidol
9. Name in my phone: nooone
10. Should you post this too? yes
Happy new year :D
Happy new year din po kuya omar! :D
Merry Christmas!!! :)
Merry Christmas din po Kuya Omar :D
Happy Birthdayyyyyyy :)
Salamat po kuya Omar! :D
Minsan nakakapagod na din...
Ang hirap, ang sakit, nakakapang hina. Yung gabi gabi na lang iniisip mo kung may nagmamahal ba talaga sa'yo? Sabi nila may dadating daw na taong totoong mag mamahal sa'yo, tao na di ka sasaktan at papaluhain pero nasan na ba? Kailan ba yun? Sabi ng isip ko di daw ako pwedeng mapagod mag hintay, na ibaling ko na lang muna ang atensiyon ko sa ibang bagay, na ituong ko muna sa pamilya at mga kaibigan ko ang pag mamahal ko. Iba naman ang binubulong ng puso ko, sabi niya sinubukan naman niya, ilang beses niyang kinalimutan yung iba't ibang sakit na naramdaman niya para lang makapag mahal ulit pero wala pa din, walang nangyayari, pareho pareho lang din ang ending. Handa naman siyang gawin ulit lahat, pero hindi niya alam kung hanggang kailan niya kaya tiisin.
Ngayon, hindi ko alam kung ano ang papakinggan ko, isip ba o puso ko? Minsan nakakapagod na din, sumubok mag mahal, masaktan, mag mahal ulit, masasaktan ulit pero ginagawa natin dahil minsan isa 'to sa mga nakakapag bigay sating ng sobra sobrang kasiyahan, isa sa mga bagay na nagpapangiti satin pag gising natin sa umaga. Kaya handa tayong gawin lahat para lang makilala yung isang tao na palaging binabanggit ng mga tao sa paligid natin. Sana pag dating niya, hindi pa tuluyang sumuko mag mahal ang puso natin, yung tipong bubukas ulit siya ng lubusan para papasukin ang taong mag mamahal satin ng buo. Sana hindi pa siya pagod kahit ano pang napagdaanan niya.