Kung bakit ika'y nilisan yung ang aking 'di malaman, kung bakit kita tinalikuran kung ang nais ko lang naman ay ika'y mahagkan
Kung bakit ako tumayo mula sa iyong tabi, kung bakit ako lumayo, kung bakit di ginugol ang pag-ibig sayo at kung bakit nakinig sa mga sulsol at payo
Kung bakit ako ang lubos na nasaktan sa tinahak na landas na wala ka, ako ang nahihirapan; bakit nga ba iniwan ang aking tahanan, ako tuloy ngayon ang luhaan










