Para sa inyong dalawa
Patawad sa layo ng pagitan naten sa isa't isa. Pwede bang magpahinga na, pagod na akong lumaban sa sinasabi mong meron tayo.
Nararamdaman ko lang na nawawala na ang tayo dahil nalalaman kong meron kana iba. At Hindi ako kundi ang kaibigan ko.
Masakit isipin na binitawan mo ako, sa rasong malayo tayo pero naghanap ka ng malapit saken. Paano tatangapin?
Kung ang lapit namen sa isa't-isa, sampung hakbang pasulong nakikita kong masaya siya, samantalang sampung hakbang paurong nasasaktan ako.
Magiging masaya nalang ako para sayo at sa kanya. Masakit isipin, mahirap tanggapin. Kailangan gawin para makalaya sa bugso ng damdamin.
Paalam mahal ko. Hiling ko maging masaya ka sa kanya at tingin kong maari dahil kilala ko paano siya magpahalaga.
Paalam mahal ko. Pinapalaya ko ang sarili ko sa inyong dalawa. Kasiyahan niyo ang mahalaga, dahil ganun kayo ka importante saken dalawa.
Luha sa aking mga mata, ngiting sa aking mga labi ang makitang masaya kayong dalawa.
D









