Hi mahal
I miss you... I know you're busy but I'm willing to wait for you until tonight😊

seen from Canada

seen from Germany

seen from Israel
seen from Iraq
seen from United States

seen from United States

seen from Canada

seen from Russia
seen from Pakistan
seen from Russia
seen from United States

seen from Australia

seen from Belarus

seen from Canada
seen from Switzerland
seen from France

seen from United States
seen from Russia

seen from United States
seen from Russia
Hi mahal
I miss you... I know you're busy but I'm willing to wait for you until tonight😊
Pagpasensyahan mo
7:20PM
Oct. 31, 2019//Huwebes
Mahal ko! Patawad, patawarin ako sa mga kamalian na hindi ko sinasadyang gawin o sabihin.
Pagpasensyahan mo kung minsa'y paiba-iba ako ng mood sa pang-araw-araw na tayo'y magkausap o magkasama, na alam ko kung babasahin ko man ang iyong iniisip pakiwari ko'y kinakaya mo na lamang akong dalhin kahit pa minsa'y alam kong napapagod ka na rin, pero ako'y labis na nagpapasalamat dahil hindi ka nagsawa't patuloy ang iyong pag-intindi o pag-unawa.
Pagpasensyahan mo kung minsa'y iniisip ko na bata ka pa kung mag-isip at ako ang nakatatanda sa atin na minsan nakikita ko rin sa iyong mga mata at mga tugon ang labis na lungkot sa aking mga sinabi na tipong gusto mong ipaliwanag na ako ay mali at dapat kang paniwalaan at pagkatiwalaan na alam mo sa sarili mo na ginawa mo naman ang lahat pero bakit hindi ko magawang maniwala at magtiwala.
Pagpasensyahan mo kung minsa'y nakukulangan ako sa'yo, oo sa iyo mismo! Na kadalasa'y napapatanong na lamang ako sa aking sarili na bakit ganoon naman? Mahal mo ako pero bakit parang may kulang? Bakit parang hindi buo? Ano pa bang dapat kong gawin? Hindi ba't kung mahal mo ang isang tao ibibigay mo ang lahat kahit pa ika'y magsisi't maubos basta't ito'y sasapat sakanya? Mahal ko hindi sa nagmamalinis alam kong minsa'y ganito rin ang iyong nararamdaman sa akin pero aking ipaiintindi na ang kakulangan na nararamdaman ko sa aking sarili ang kabuoan ay ikaw.
Pagpasensyahan mo kung minsa'y hindi ko magawang maintindihan na marami kang ginagawa mahal ko. Alam ko, may malay ako sa iyong pinagkakaabalahan, ako itong problema na hindi maitatak sa aking isipan na hindi lang ako ang dapat na iyong inuuna, pero alam mo ba? Sa katunayan, pinili ko noong una na maging sakim pagdating sa'yo, na dapat ako lang o dapat walang iba pero mali pala 'yon, hindi dapat ganoon ang persepsyon ng isang tunay na nagmamahal, kasi kung mahal mo talaga ang isang tao dapat hindi mo siya nasasakal o kinokontrol sa mga bagay-bagay na hindi mo naman pinanghahawakan.
Pagpasensyahan mo kung ako ang iyong inibig o minahal, pakiwari ko kasi na mayroong taong nararapat sa'yo pero natatabunan ko lang dahil nabubulag ka dahil ako ang iyong iniibig sa kasalukuyan, tama ba ako mahal ko? Napanghihinaan kasi ako sa atin eh, na tipong gustong-gusto kitang mapasaakin hanggang dulo pero bakit pakiramdam ko ay napaka-imposible? Bawal? O hindi nararapat? Mahal ko, sa oras na ito nalulunod ako sa kaisipan na sana may plano ka rin sa atin, na sana hindi lang ako ang nagnanais na makasama ka sa pang-araw-araw na ginawa ng Diyos na ang nais kong ipunto na hindi lang sa kasalukuyan pati sa hinaharap ay ika'y makasama, maaari ba 'yon? O hanggang imahinasyon na lamang?
Pagpasensya mo ang iyong mangingibig at iniibig na minsa'y duwag o pinanghihinaan ng loob ngunit nais ko lamang na sambitin na sana magkasama tayong harapin ang lahat ng pagsubok o problema na kahaharapin natin, tipong ikaw at ako na susulusyonan ang lahat ng problema at kahit ilang beses pa ng aking bibig ito'y sambitin na ni minsa'y hindi ko ihihingi ng pasensya na hindi ko pinagsisihan o pinagsisisihan na ikaw ang aking inibig sa mundong walang kasiguraduhan at puno ng mga taong mapanghusga.
Mahal ko, dalangin at tanging hiling ko lamang ang iyong tagumpay at ang iyong kasiyahan, mahal kita jo.
Para sa inyong dalawa
Patawad sa layo ng pagitan naten sa isa't isa. Pwede bang magpahinga na, pagod na akong lumaban sa sinasabi mong meron tayo.
Nararamdaman ko lang na nawawala na ang tayo dahil nalalaman kong meron kana iba. At Hindi ako kundi ang kaibigan ko.
Masakit isipin na binitawan mo ako, sa rasong malayo tayo pero naghanap ka ng malapit saken. Paano tatangapin?
Kung ang lapit namen sa isa't-isa, sampung hakbang pasulong nakikita kong masaya siya, samantalang sampung hakbang paurong nasasaktan ako.
Magiging masaya nalang ako para sayo at sa kanya. Masakit isipin, mahirap tanggapin. Kailangan gawin para makalaya sa bugso ng damdamin.
Paalam mahal ko. Hiling ko maging masaya ka sa kanya at tingin kong maari dahil kilala ko paano siya magpahalaga.
Paalam mahal ko. Pinapalaya ko ang sarili ko sa inyong dalawa. Kasiyahan niyo ang mahalaga, dahil ganun kayo ka importante saken dalawa.
Luha sa aking mga mata, ngiting sa aking mga labi ang makitang masaya kayong dalawa.
D
Yung dating ako, yung umasa, yung nasaktan, yung nagpupuyat, yung kinikilig sa isang taong pansamantala lang. Heto at naulit na naman, naulit sa panibagong taong masasabi kong akin na, yung taong parehas kayo ng nararamdaman. Magkaiba man ang ugali at salungat ang mga ideya ng bawat isa, pero ito magkasundo. Masaya. Hindi ko alam kung paano ko sinimulan at paano mo itinuloy pero ang masasabi ko lang, salamat mahal, baby. Masaya ako’t dumating ka. Alam ko na alam mong masyado tayong naging mabilis at agresibo sa mga bagay bagay na naramdaman natin. Pero mahal ko, tuloy lang. Kaya yan! Maaabot din natin dal'wa yung pinakaaasam-asam na bagay at gustong gusto nating makuha na ngayon hanggang sa pagtingala pa lang natin nagagawa.
misterindependent
There is no doubt in my mind that you are the one that God intended for me to be with. I love all of the memories we have made so far and I cannot wait to see what adventures we go on in the future.
Every morning I wake up with more love in my heart, you are my first thought when I wake up and my last before I go to sleep. You have blessed my life with love and I'm beyond happy to call you mine in this very nit-picky world.
Alam mo, pag-uwi natin pareho sa pinas baka hindi ko na magawa yung mga bagay na madalas kong ginagawa sayo. Dito sa korea okay lang saken na nagkikita tayo every 2weeks or 3weeks, yung isang araw na makasama kita, mayakap, maalagaan, mapagsilbihan, masabi sayo ng harapan na mahal na mahal kita, masaya na ako dun. Baka pag-uwi natin pareho sa pinas nangangamba ako na baka hindi ko na magawa sayo yung mga bagay na yun ng madalas sa kadahilanang mas mapapalayo na tayo sa isa’t isa. Nasa parteng Luzon ka at nasa Visayas naman ako, kaya habang kasama pa kita ngayon, chini-cherish ko yung bawat oras na nakakasama kita, yung bawat sandali na naipaparamdam ko sayo kung gaano kita ka mahal, yung sa simpleng pag nail cutter ko sa mga kuko mo sa kamay, yung pagshampoo ko sa buhok mo sa tuwing naliligo tayo, yung pagboblower ko sa buhok mo para mabilis matuyo, yung pagluluto ko sayo ng mga paborito mong pagkaen, yung paghatid at pagsundo sayo, ang pagyakap sayo kapag natutulog tayo at paghalik sa labi mo habang mahimbing kang natutulog. Simpleng bagay man yun pero para saken hinding-hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko. Alam ko pag-uwi natin pareho sa pinas mag-iiba na ang mundong ginagalawan natin, mas mapapalayo tayo sa isa't isa, magiging madalang na ang ating pagkikita pero hindi nangangahulugan na mababawasan na yung pagmamahal ko sayo, patuloy kitang mamahalin kahit na magkalayo man tayo. Palagi mong tatandaan na Mahal na mahal kita.