Your day just went like the usual. Nag-aral, napagod, walang naintindihan sa klase. Then, the most awaited part of your day is yung uwian time. Siyempre dahil late na at hanggang 9pm lang yung jeep na diretso sa barangay ninyo, alternative way para makauwi ka is sumakay sa jeep na dadaan sa kanto ng barangay niyo then mag-tricycle papunta sa bahay niyo.
Wala naman akong pakialam sa mga nakakasabay ko sa jeep.(depende na lang kung pogi syempre. Chos!) Oh well ayun na nga at pauwi na. Hassle talaga pag pauwi, dumadaan pa kasi ng ibang route yung jeep dahil ginagawa yung main road so dumadaan siya dun sa may taniman ng cabbage, gulay gulay & everything pati na rin sa poultry at piggery. At actually, madilim doon.
Medyo matagal-tagal na rin kaming dumadaan doon so nasanay na ‘ko kase naman ang tagal na simula nung inumpisahan gawin yung daan noh?! Hanggang ngayon di pa rin tapos. Gobyerno nga naman. Inumpisahan kase nung start of classes so feeling ko matatapos pa lang to sa finals. Hilig sumabay eh. So, ayun na nga dumaan kami dun sa madilim na daan nang biglang… “Hold up to!” Sabi nung isang lalake. Tapos magkakasabwat pala sila nung lima pang kasabayan niya sumakay kanina sa terminal. Kinuha nila lahat ng mga makukuha nila. Pera, phones, relo. Basta lahat! Simot. Grabeng experience yun. Nginig talaga. Kulang na nga lang pati calculator ko kunin nila. Nakiusap lang talaga ako dahil para sa future ko yun. Tsaka ano naman gagawin nila sa calcu? Pang compute ng ninakaw nila? Hayy. Kawawa pa si manong driver na nakuhanan ng pinaghirapan niya buong araw. At kawawa ako dahil wala na ‘kong baon bukas. At wala nang pamasahe sa saturday. Wala na rin akong phone. Wala na lahat. Nakakaiyak grabe. Ayoko nang isipin.
Ayoko na talagang isipin lalo na’t sa iba nangyari yun at hindi sa akin, fortunately. Naimagine ko lang bigla yung sarili ko sa ganung situation dagil kinuwento lang yun nung kaibigan nung kaibigan ng kapatid ko. Yung kapatid ko nga ayaw na daw pumasok ng last subject nila dahil dun eh. Gusto na niyang umuwi. At ako naman ang bilis at naimagine ko agad pano kung mangyari sakin yun. My gas! Kaya nga may bago akong self rule na agad akong uuwi pag TTH para maabutan ko pang yung diretsong jeep sa 'min dahil mas kampante akong makakauwi ng ligtas dahil halos kakilala ko naman mga taga sa 'min.
Isa pang sinabi sakin na wag daw akong dadaan dun sa isang street dun sa Jollibee Rotonda. Kasi daw may naghoholdup rin don na kakilala ng kapatid ko. Eh kakadaan ko lang kahapon dun eh?! Buti na lang pala at di ako natiyempuhan. Naalala ko pa yung sa malapit sa school ng kapatid ko na nalaslas yung bag. Tapos meron din daw nagssnatch na riding in tandem sa Cebuana Lhuillier AUF branch.
Grabe lang talaga dahil habang paunlad ng paunlad yung lugar ninyo, padami na rin ng padami ang mga masasamang loob. Feeling ko nga minsan mas ligtas pa sa Maynila kesa dito. Mas pinipili na kasi ng mga kriminal yung mga probinsya dahil madami na sila masyadong competitors sa maynila. Kalat na talaga ang kriminalidad.
Tip lang para malabanan ang anumang kapahamakan, extra, ultra mega faith & prayer. Samahan na din ng alertness at carefulness. Ciao! Ingat always!