Thank You Marc Pingris @jeanmarc15 for guesting in today's episode of Tayo NaMAN "The Manhood Show @702 DZAS 5:30-6:30pm. Lessons we learned from Marc: 1) The Heart to Forgive -Napatawad niya ang kanyang dad after 25+ years nang iniwan sila when he was still very young. Pero pinalambot ni God supernaturally ang kanyang puso. Ngayon, they have a very good father-son relationship. 2) Look for Mentors -Sa umpisa, Si Marc ay nagbubuhat ng bag at tagalinis ng kotse ng ibang basketball players kasi gusto niyang matuto sa kanila. Ang husay mo ay dependent sa mga mentors mo sa buhay. 3) Turn Pain into Power -Nang walang wala na siyang makain, kinuha niya ang panis na kanin sa locker niya, nilunok sabay inom nang tubig. Awang awa siya sa sarili at umiiyak habang kumakain. Nag promise si Marc sa sarili na makakakain din siya ng masarap. 4) Passion for God -ang payo niya, magbasa parati at mahalin ang salita ng diyos. Para kay Marc, lahat, pati ang pagiging sikat ay mawawala din, pero ang diyos ang tanging hindi mawawala. Hindi niya tayo iiwan. 5) Be Humble -Huwag kakalimutang tumingin sa pinangalingan. Kahit na naging star at one of the greatest PBA players of all time, napaka humble pa din ni Marc. Lagi pa din siyang bumabalik and gives back sa hometown niya sa Pangasinan. Amazing Life testimony! #MarcPingris #TayoNaMAN #702DZAS