ANG UNA AT HULING TULA KO PARA SAYO
Sariwang sariwa pa sa mga alaala ko yung araw na kung saan huli kitang nakita
Yun yung araw na tinatanaw kita mula sa dulo ng lugar sa kung saan parehas lang tayong naroroon,
Iyon yung mga oras na nakikita ko na kalmado ka lang, masayang tumawa kasama ng iyong mga kaibigan at mukhang walang ibang iniisip
kasabay nito ang aking pag tanaw sayo mula sa malayo, umaasa at nag hihintay na sabihin mong “mahal tara mag kita na tayo”
ngunit makalipas ang ilang oras lahat ng ito’y
nauwi lang sa mga salitang “sa susunod nalang”
Na sa mga salitang palang iyon ay hindi ko buod akaling ‘wala na palang susunod’ na hindi na pala masusundan..
Na huli na pala iyon.
Yun na pala yung huling beses na makikita kita,
yun na pala yung huling beses na masasabi at maipag mamalaki ko sa mga kaibigan ko na “nakikita mo ung lalaking yun? mahal ako nyan”
Yun na pala yung huli
Wala na palang kasunod
kasi wala kana
kasi tapos na tayo
kasi tapos na yung kwento nating dalawa.
Hanggang ngayon masakit parin isipin na natapos ang lahat sa apat na salita
“itigil na natin ito”
Akala ko nung una dito ako magiging masaya, na sa disisyon na yan ako magiging maginhawa
Hindi pala..
Mali pala ako
mas masakit pala
Mas mahirap pala
kasi Mahal parin kita.
Na kahit anong sabihin nilang “tama na” hindi ko magawang itigil
hindi ko magawang mawalan ng pag asa na
“wait, saglit baka pwede pa?”
“baka mahal nya pa ako?”
“baka babalik pa sya?”
Hanggang sa dumating ung araw na akala ko pagod na ko,
na akala ko tapos nakong mahalin ka
na akala ko okay na
na tanggap ko na
yun pala
Mali nanaman pala ako.
Kasi dumating na yung araw na sobrang kinatakatukan ko
dumating na ung oras na hindi ko inaasahan..
At yun yung makita ka ulit
sa hindi inaasahang oras at pag kakataon
nakita kita, nag lalakad..
ilang segundo rin kitang tinitigan kasi baka mali lang ako ng tingin
kasi baka namamalik mata lang ako
pero nung maramdaman ko na yung sakit habang tinitingnan ka
sabi ko sa sarili ko “shit sya nga”
Nakakapang hina, hindi ko alam kung bakit parang binagsakan ako ng langit at lupa
Hindi ko alam kung bakit ako natulala, bakit na yung akala kong HULI masusundan pa pala..
na parang lahat ng sakit simula nung nag hiwalay tayo, bakit parang lahat bumalik?
at yung pag balik ng sakit na iyon, yun yung sakit na parang hindi ko nanaman alam kung saan mag sisimula
Na hindi ko nanaman alam kung pano ko pupulutin yung sarili ko sa pag kalugmok nung muli kitang makita.
Yun ung sakit na hindi ko maipaliwanag, na para syang lason sa katawan kong unti unti akong pinapatay.
Hindi ko na alam
wala na akong ibang maisip pa
kundi yung maramdaman nalang na
Mahal kita
Mahal parin kita
Wala man patunguhan yung pag mamahal na ito
Alam ko darating din yung araw na mapapagod ako
pero mapapagod lang naman
maipag papahinga ko naman ito
at kapag okay na ako ulit
mamahalin ulit kita..
Mag hihintay ako.
Hanggang sa dumating ung araw na
akin kana ulit.











